Monday, March 28, 2011

Catch Me, I'm In Love

‘True love waits.’

Ito ang sinabi ni Roan Sanchez of Caloocan City na ginampanan ni Sarah Geronimo sa kanyang bagong pelikulang may pamagat na Catch Me…I’m In Love. Kapareha niya sa unang pagkakataon si Gerald Anderson bilang si Erick Rodriguez na anak ng presidente ng bansa. Hatid ito ng Star Cinema at Viva Films sa direksyon ni Mae Cruz.


Simple lang ang takbo ng story tulad ng ibang romantic comedy. Sinimulan sa panaginip kung saan nakita ni Roan ang isang nakatalikod na lalaki. Pipilitin niyang malapitan ito sa dami ng mga taong naglalabas pasok upang makita ang mukha nito subalit mabibigo dahil magigising siya.

Nag-iisang babae sa magkakapatid kaya’t madalas ay pinag-aasar siya ng kanyang mga kuya dahil sa hindi pa ito nagkakaroon ng boyfriend. Maging ang kanyang mga kasamahan sa trabaho ay naiinip sa paghihintay. Sa isang event na in-organized ng Helping Hands a non-profit organization kung saan isa siya sa social worker, nakilala niya si Erick. Hindi sinasadyang nakapagbigay ng comment si Roan habang nagbibigay ng speech si Erick.

Dahil sa insidenteng naganap ipinatawag siya ng presidente na ginampanan ni Christopher De Leon na inakala niyang nagalit subalit kabaligtaran ang nangyari. Pinasama nito sa immersion si Erick at si Roan ang mag-eevaluate sa performance nito.

Sa unang part ng pelikula puno ng mga nakakatuwa at nakakakilig na eksena. Halos lahat ng manonood ay napapahagikgik o kaya nama’y matatawa ng malakas o kaya nama’y kilig na kilig sa mga eksena na magkasama ang dalawang bida.


Sa bandang gitna nagkaroon ng problema kung saan sila na at dahil sa anak ng presidente si Erick nagkaroon ng insecurities si Roan habang si Erick naman ay ginagawa ang lahat at walang pakialam sa sinasabi ng ibang tao.

Walang love triangle sa story although nandoon si Matteo Guidicelli na may lihim na pagtingin kay Roan. Tumakbo ang istorya sa mga isyung pansarili ni Roan kung dapat pa ba niyang ituloy ang kanilang relasyon o hindi na samantalang si Erick problema sa pagitan ng kanyang ama ang isyu.

Kumpara sa ibang pelikulang Pinoy, mas mabilis ang mga pangyayari sa loob ng pelikulang ito pero maganda ang kabuuan. It will remind you of how you fall in love for the first time. Feelings na masarap maramdaman…habang kasama ang nagpatibok ng iyong puso.


Mahusay ang pagganap ni Sarah Geronimo at natural ganoon din naman si Gerald Anderson. May chemistry silang dalawa na kaya nilang pakiligin ang mga manonood. Noong una may mga nagsasabi na parang di naman sila bagay ngunit habang nanonood ay imposibleng hindi ka kiligin.

It’s a nice movie…masarap sa pakiramdam habang lumalabas ng sinehan dahil maganda at masaya. Isa rin sa maganda sa mga pellikula ni Sarah ay wala gaanong kissing scene na kung minsan ay nakaka-umay na.

Graded B ito ng Cinema Evaluation Board kaya’t pwedeng pambuong pamilya. 





Pahabol.... posible kaya na magkaroon ng part 2...wish ko lang! 

Sunday, March 13, 2011

Bangkok Traffic Love Story

"If we have a boyfriend, but he's never free to eat out with us, never have time to go anywhere with us, so what's the point of having one?"

Simula ng mapanood ko ang Crazy Little Thing Called Love nagkaroon na ako ng interes sa mga Thai Movie. Nagsimula akong mag-search ng mga Thai movie…and the title of this movie caught my attention.

Na-released ito, two years ago by GTH…October 15, 2009 sa Thailand. It was directed by Adirsorn Tresirikasem and the story written by Navapol Thamrongruttanarit.

Isang typical na kwento ang hatid ng movie na ito. Tungkol sa isang 30 yrs. old na girl na si Mei Li (Sirin Horwang) na nakaramdam ng lungkot ng mag-asawa ang kaibigan niyang si Ped. Pressured din siya dahil sa siya na lang ang walang asawa sa kanilang magkakaibigan. Sa Kasal ni Ped, marami siyang nainom na wine kaya ang ending nakatulog siya sa kwarto ng bagong kasal. Nagising siya ng madaling araw ngunit muntik mabangga ang kanyang minamanehong kotse at sumadsad ito sa barrier para matanggal ang side mirror nito. Dito niya nakilala si Loong (Theeradej Wongpuapan) isang engineer na nagta-trabaho sa BTS skytrain.

Sa loob ng 17 years, inisip niya na ang hindi maganda na babae ang gumawa ng first move sa lalaki dahil sa sinabi ng nanay niya noon…pero nalaman n’ya sa kanyang ina na ito pala ang unang gumawa ng paraan para maging malapit sila ng tatay nito. Kaya gumawa siya ng paraan para magkalapit sila ni Loong.

Nakakatuwa ang effort na ginawa ni Mei Li para makasama si Loong kahit magkaiba sila ng oras ng trabaho. Pang-umaga kasi si Mei Li habang panggabi naman si Loong. Ilang gamit ni Loong ang aksidenteng nasira ni Mei Li…una ang sunglasses, laptop at ang digital camera nito. Pero gumawa siya ng paraan para makabawi at naging malapit sila.

Inanyayahan ni Loong si Li na sumama sa Family day ng BTS at doon nalaman ni Li na aalis pala si Loong para mag-aral sa Germany for two years. Gusto sana ni Loong na ipagpatuloy kung anong meron sa kanila kahit malayo siya pero mas pinili ni Li na maging acquaintance na lang sila.

Maganda ang story…magaan sa pakiramdam at talagang nakakatawa ang mga eksena. Maganda rin ang chemistry ng dalawang bida…ramdam ang kilig at saya ng palabas dahil sa kanila. Nakaka-touch sa bandang hulihan kung saan may pinadalang box si Loong kay Li at nakalagay lahat doon ang mga bagay na nag-connect sa kanilang dalawa…side mirror, box ng sunglasses, sirang laptop at digicam. Nagustuhan ko ang naging ending…kahit medyo basa na ng manonood na muli silang magkikita after two years…naging maganda pa rin ang dating ng katapusan.


Sa kabuuan, worth it ang oras ko sa panonood ng pelikulang ito and I really like the idea of movie like this one na kikiligin ka kahit walang kissing scene. Kahit sino pwedeng maka-relate sa kuwento, di lang ito para sa mga babae pwedeng-pwede rin sa mga lalaki.(*^_^)


Friday, March 4, 2011

'Minsan Lang Kita Iibigin' sa Lunes na!


 Inaabangan ko ang serye na uumpisahan ng Kapamilya (Channel 2) ang ‘Minsan Lang Kita Iibigin.’ Sa Lunes (March 7) na ito, pagkatapos ng Mutya.

Maganda ang trailer ng Minsan Lang Kita Iibigin. Mula sa mga cast at maging sa magiging ikot ng kuwento. Kakaibang Kim Chui ang makikita base sa mga trailer. Sa umpisa nga, akala ko ay talagang main cast siya iyon pala ay siya ang batang Lorna Tolentino…at bakit naman hindi…may K naman siguro siya at maging si Erich Gonzales na gaganap na batang Amy Austria.


 Panibago na namang Coco Martin ang nasa seryeng ito. Kung dati-rati ay kontrabida…ngayon siya na ang bida. Siguro nama’y dapat lang na mabigyan siya ng pagkakataon sapagkat marami na rin siyang napatunayan sa pag-arte lalo na sa mga indie films.

Mukhang kakaibang Andi Eigenman din ang makikita dito..astig ang dating at maging si Maja Salvador na parehong love interest ng dalawang Coco Martin.

Base sa trailer, maganda ang kuwento ng bagong palabas na ito…sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga taong labas na may ipinaglalaban na paninindigan. Matatalakay rin ang mga isyung pampamilya sa pagitan ng mga magulang at anak; maging sa magkapatid at syempre tungkol sa pag-ibig.

Nakakatakam ang trailer. Nakakahikayat sa mga manonood kung kaya’t marahil marami na ang nag-aabang sa unang araw nito sa telebisyon subalit sana’y hindi lamang sa simula maging kapana-panabik ang serye sapagkat kung minsan ay basa na ng manonood ang mga mangyayari o kaya naman ay hindi ma-sustain ang ganda ng kuwento. Sana’y hindi lang simula at wakas ang maging kapana-panabik sa bagong palabas na ito. 




Thursday, March 3, 2011

He Who Can’t Marry

I was just looking for something to watch and the title gives me some thought…why can’t he marry? For some reason, I find this series hilarious almost in all episodes…no dull moment as in!

Anyway, it’s all about Jo Jae Hee (Ji Jin He), 40 yrs old na siya at wala sa bokabolaryo niya ang mag-settle down o mag-asawa. Wala nang hahanapin pa sa kanya…isa siyang architect, may sariling bahay, may ipon, at may looks din naman. Kaya nga lang madalas na ikinatu-turn off ng mga girls sa kanya…lagi siyang detalyado sa mga bagay-bagay. Mas madalas na sarili lang niya ang kanyang iniisip. Ayaw din niyang may nang-iinvade ng kanyang gamit.
Makikilala niya ang tatlong babae na nagbago sa buhay niya. Isa doon si  Yoon Ki Ran (Yang Jeong Ah) na ka-trabaho at nasasakyan ang pagiging iba niya. Pangalawa si Jeong Yoo Jin (Kim So Eun) na naging kapitbahay niya ng ilang buwan kasama ang kanyang alagang aso na Chihuahua. At si Dr. Jang Moon-jeong (Uhm Jung Hwa ) na naging dahilang para magkaroon siya ng pakialam sa mga taong nakapalibot sa kanya at dahilan para maisip niya ang makipagrelasyon.

Mula sa Japan ang palabas na ito na may pamagat na Kekkon Dekinai Otoko na pinalabas noong 2006 at ni-remake ng Korea noong 2009. Hindi ko naisip na remake ito at kahit hindi ko pa napapanood ang original version ay nagustuhan ko ang story na sinasabing hindi naman nalalayo sa orig.
Nakakatuwa ang mga eksena at realistic ang mga pangyayari. Tungkol kasi ito sa mga taong wala pang asawa na wala na sa kalendaryo ang edad at napre-pressure sa mga magulang dahil gustong-gusto na nilang magkaapo. Sa kuwento kasi, si Jae Hee ay masaya sa buhay niya kahit nag-iisa. Mag-isa siyang nanood ng mga pelikula, kumakain sa restaurant o kaya sa bar maging sa mga board games na kailangan ng kasama ay nilalaro niyang mag-isa. Gusto ng nanay niya na mag-asawa na siya para may mag-alaga na sa kanya lalo na’t nagkakasakit siya.
Lagi namang pinapadala ng tatay ni Dr. Jang ang kanyang information sa mga match maker o kaya sa mga blind dates na madalas ay ikinaiinis niya… sa tatlong beses niyang nagpunta sa blind dates…isang lalaki lang ang name-meet niya at hindi tumatagal sa limang minuto ang usapan nila.

Nakilala ni Jae Hee si Dr. Jang dahil sa sakit niya at simula noong inoperahan siya nito ay halos lagi na siyang laman ng ospital para magpa-check up. Pero madalas na-iinsulto niya si Dr. Jang dahl na rin sa matabil niyang pagsasalita habang si Dr. Jang naman ay nahuhulog ang loob sa kanya.

Nakaramdam ng kalungkutan si Jae Hee simula ng makilala niya si Dr. Jang kaya naman palagi itong nagpupunta ospital para magpa-konsulta kahit wala naman siyang sakit.  Insensitive si Jae Hee kaya hindi niya agad na-realize ang feelings niya para sa babae kaya’t sa bandang huli ay parang sumuko na si Dr. Jang pero nahanap siya ni Jae Hee.

Walang kasalang nangyari sa ending pero ayos lang dahil sa huli…ipinakita naman na malaki ang pagbabago sa katauhan ng bida. Natuwa ako sa mga title ng bawat episode, sa mga eksena at conflict na ibinunga ng pagiging weird ni Jae Hee ‘yun nga lang medyo over acting si Ji Jin Hee sa ilang scene na marahil ay talagang sinadya.

Sa tingin ko nga marami ang makakarelate sa palabas na ito lalo na iyong mga gusto nang makahanap ng magiging partner niya for life pero hindi dumating-dating.  May 16 episode ang palabas na ito na puno ng mga katatawanan at mga tunay na pangyayari sa buhay ng mga naghahanap ng pag-ibig sa medyo late na age to marry.