I was just looking for something to watch and the title gives me some thought…why can’t he marry? For some reason, I find this series hilarious almost in all episodes…no dull moment as in!
Anyway, it’s all about Jo Jae Hee (Ji Jin He), 40 yrs old na siya at wala sa bokabolaryo niya ang mag-settle down o mag-asawa. Wala nang hahanapin pa sa kanya…isa siyang architect, may sariling bahay, may ipon, at may looks din naman. Kaya nga lang madalas na ikinatu-turn off ng mga girls sa kanya…lagi siyang detalyado sa mga bagay-bagay. Mas madalas na sarili lang niya ang kanyang iniisip. Ayaw din niyang may nang-iinvade ng kanyang gamit.
Makikilala niya ang tatlong babae na nagbago sa buhay niya. Isa doon si Yoon Ki Ran (Yang Jeong Ah) na ka-trabaho at nasasakyan ang pagiging iba niya. Pangalawa si Jeong Yoo Jin (Kim So Eun) na naging kapitbahay niya ng ilang buwan kasama ang kanyang alagang aso na Chihuahua. At si Dr. Jang Moon-jeong (Uhm Jung Hwa ) na naging dahilang para magkaroon siya ng pakialam sa mga taong nakapalibot sa kanya at dahilan para maisip niya ang makipagrelasyon.
Mula sa Japan ang palabas na ito na may pamagat na Kekkon Dekinai Otoko na pinalabas noong 2006 at ni-remake ng Korea noong 2009. Hindi ko naisip na remake ito at kahit hindi ko pa napapanood ang original version ay nagustuhan ko ang story na sinasabing hindi naman nalalayo sa orig.
Nakakatuwa ang mga eksena at realistic ang mga pangyayari. Tungkol kasi ito sa mga taong wala pang asawa na wala na sa kalendaryo ang edad at napre-pressure sa mga magulang dahil gustong-gusto na nilang magkaapo. Sa kuwento kasi, si Jae Hee ay masaya sa buhay niya kahit nag-iisa. Mag-isa siyang nanood ng mga pelikula, kumakain sa restaurant o kaya sa bar maging sa mga board games na kailangan ng kasama ay nilalaro niyang mag-isa. Gusto ng nanay niya na mag-asawa na siya para may mag-alaga na sa kanya lalo na’t nagkakasakit siya.
Lagi namang pinapadala ng tatay ni Dr. Jang ang kanyang information sa mga match maker o kaya sa mga blind dates na madalas ay ikinaiinis niya… sa tatlong beses niyang nagpunta sa blind dates…isang lalaki lang ang name-meet niya at hindi tumatagal sa limang minuto ang usapan nila.
Nakilala ni Jae Hee si Dr. Jang dahil sa sakit niya at simula noong inoperahan siya nito ay halos lagi na siyang laman ng ospital para magpa-check up. Pero madalas na-iinsulto niya si Dr. Jang dahl na rin sa matabil niyang pagsasalita habang si Dr. Jang naman ay nahuhulog ang loob sa kanya.
Nakaramdam ng kalungkutan si Jae Hee simula ng makilala niya si Dr. Jang kaya naman palagi itong nagpupunta ospital para magpa-konsulta kahit wala naman siyang sakit. Insensitive si Jae Hee kaya hindi niya agad na-realize ang feelings niya para sa babae kaya’t sa bandang huli ay parang sumuko na si Dr. Jang pero nahanap siya ni Jae Hee.
Walang kasalang nangyari sa ending pero ayos lang dahil sa huli…ipinakita naman na malaki ang pagbabago sa katauhan ng bida. Natuwa ako sa mga title ng bawat episode, sa mga eksena at conflict na ibinunga ng pagiging weird ni Jae Hee ‘yun nga lang medyo over acting si Ji Jin Hee sa ilang scene na marahil ay talagang sinadya.
Sa tingin ko nga marami ang makakarelate sa palabas na ito lalo na iyong mga gusto nang makahanap ng magiging partner niya for life pero hindi dumating-dating. May 16 episode ang palabas na ito na puno ng mga katatawanan at mga tunay na pangyayari sa buhay ng mga naghahanap ng pag-ibig sa medyo late na age to marry.









No comments:
Post a Comment