Umarangkada na ang Princess and I ng abs-cbn. Sinasabing isa daw ito sa pinakabonggang teleserye na nagawa ng kapamilya.
Sinimulan ito sa panahon na si Haring Anand (Albert Martinez) ay umibig sa isang Pilipina na nagtra-trabaho sa Yangdon si Isabel (Precious Lara Quigaman) at sila'y nagpakasal. Hindi naman ito nagustuhan ni Ashi Behati (Gretchen Barreto) lalo na ng magkaanak ang hari at reyna. Gumawa ng paraan si Ashi Behati upang mawala sa landas n'ya ang reyna at anak nito sapagkat gusto niya na ang anak niyang si Jao (Enrique Gil) ang maging hari sa darating na panahon. Babae ang anak ng hari at reyna na si Princess Ariya (Kathryn Bernardo) na pinadala sa Pilipinas.
Isa sa kapansin-pansin ang ganda ng ma tanawin na kinuha sa Bhutan.
Kung husay ng pag-arte...tama lang... para sa akin hindi pa naman gaanong mabibigyan ng super perfect na score ang galing ng mga artista. Una dahil kasisimula pa lamang nito. Wala pang gaanong nangyayari at hindi pa naman lahat visible sa unang week.
But I like the character of Dominic Ochoa as Dinoy Maghirang. Siya ang nakapulot kay Mikay nung bata pa ito. Nahiwalay si Mikay kay Esmeralda (Sharmaine Suarez) ang utusan na nagdala sa bansa sa anak ng hari dahil nagkaroon ng pagsabog habang sila ay nasa palengke.
Effective naman ang pag-arte ni Gretchen Barreto bilang kontrabida... dahil nakakaasar ang kanyang mga ginagawa at umpisa palang ay alam mo na, na masama talaga ang katauhan ni Ashi Behati na maging ang kanyang asawa ay nagawa niyang patayin na ginampanan naman ni Christian Vasquez (Dasho Kenchu).
For sure, marami pang mangyayari at pakikipagsapalaran sa buhay ni Mikay. I just felt na sana hindi masyadong basa ng mga televiewers ang mga susunod na mga pangyayari. Siguro nga mas maganda kung sinimulan na lang ito sa Pilipinas at magkakaroon na lang pagbabalik tanaw sa mga dahilan ng pagkakapunta niya sa bansa...but hey, hindi ako ang writer at opinyon ko lang naman.
Sina Andre Philip Loleng at Ceres Helga Barrios ang writer nito at ang mga direktor ay si Dado C. Lumibao at Francis Xavier Pasion. Looking forward sa mga twist and turn ng palabas.
Pahabol:
Well, I just wish na kung gagawa ng mga teleserye na may kahalong history sana history na lang ng Pilipinas ang unahin.
(*^_^)
credits:showbiznest




No comments:
Post a Comment