About Me


Hi, ako si Marvie at napasyal ka sa aking blog.

 Sa blog na ito mababasa ang aking pansariling opinyon tungkol sa mga paborito kong palabas, musika at iba pang may kinalaman sa hilig ko.

HIlig kong manood (pelikula, serye at anime), magbasa at makinig ng musika. At dahil diyan gusto kong ibahagi ang aking naramdaman, opinyon at mga puna. Makipagpalitan ng mga komento sa mga taong kapareho ng hilig ko.

Mas nais ko ring gamitin ang wikang Filipino sa mga pinapaskil sa blog na ito kaysa Ingles.

Maraming salamat sa pagpasyal sa blog at pagbibigay ng oras sa pagbasa sa mga nilalaman nito! (*^_^)