The poster caught my attention
and because I love music I find myself searching youtube for this film.
Masuwerte namang natagpuan ko ito at napanood ng buong-buo.
Nagsimula ito noong bata pa si
Ped na nagkaroon ng paghanga kay Ern. Ito kasi ang nagpakilala sa kanya ng rock
music. Pinahiram siya nito ng cassette tape kung saan naka-record ang mga
ganoong genre ng kanta. Sinubukan niya itong kantahin gamit ang gitarang
hiniram sa matalik niyang kaibigan na si Khung at ni-record ang pagkanta niya.
Binalak niyang ibigay it okay Ern kaya lang hindi siya nagkaroon ng
pagkakataong maibigay ito hanggang makaalis na ito papuntang Bangkok.
Hayskul na sila nang bumalik at
magkita ulit ni Ern. Nanumbalik ulit ang paghanga niya dito. Samantala, ang
kanyang bespren na si Khung ay nagplanong bumuo ng isang banda para kalabanin
ang grupo ng kakambal niyang si Kae at para mapansin ng mga girls.
![]() |
| Khung |
![]() |
| Ped |
![]() |
| Ex |
![]() |
| Ern |
Si Khung (Pachara Chirathivat) ang
vocalist, si Ped (Jirayu La-ongmanee) ang bass guitar at si Ex (Thawat
Pornrattanaprasert) ang drummer. Sa huli, nakasama sa kanila si Ern (Nattasha
Nauljam) na mahusay palang maggitara. Sa
kagustuhan ni Khung na maipakita sa kakambal niyang si Kae na magtatagumpay
sila, ibinalita niya na sasali sila sa Hot Wave Music Awards, isa itong sikat
at kilalang band competition sa Thailand.
Lagi silang magkakasama bilang
isang grupo at dahil dito sinabi ni Khung kay Ped na may gusto siya kay Ern. At
dito pumasok ang conflict sa pagitan ni Ped at Khung. Habang si Ern naman ay
may gusto rin kay Ped.
Isa na naman itong Thai Film na
talaga naman bumuhay sa alaala ng aking kabataan. Parang ipapaalala nito ang
isang bahagi ng buhay mo noong kabataan kung saan naghahanap tayo ng mga taong
tatanggap sa atin, magkakaroon ng mga crushes at first love at higit sa lahat
pagkakaroon ng kagustuhang maabot ang pangarap para may mapatunayan.
Nakakatuwa ang kabuuan ng
pelikula at ang mga artistang gumanap. Mas naging maganda pa ito dahil hinaluan
ng mga musika ng mga sikat na banda at kahit pa nga iba ang salita nila, ang
ganda ng melody at meaning ng mga kanta na ini-relate sa mga eksena ng bawat
tauhan.
Ang title din ng pelikulang ito
eh, nakaka-intriga… Suck Seed (Succeed). Si Khung ang nakaisip ng pangalan na
ito ng kanilang banda. Ito ang panahon na nabusted siya ni Ern at si Ex naman
ay ipinagpalit ng gusto niyang babae sa isang tibo. Habang si Ped ay nasa gitna
ng pag-iisip kung sino ang pipiliin ang kaibigan o si Ern.
Ang simple ng story pero
madadala ka ng mga eksena sa mga tawanan at maging sa mga medyo malungkot na
part. Well, naiyak din ako sa movie na ito. Para kasing magkakaroon ng
flashback sa memory mo ang high school life.
Bagay na bagay ito sa mga
kabataan, sa mga isip bata, mahilig sa music at sa mga gustong makapanood ng
kakaibang kuwento ng pagkakaibigan. Isa itong panalong sound trip!
Hindi ito mabubuo kung wala si
Director Chayanop Boonprakob na siya ring utak ng buong pelikula. Ipinalabas ito
noong nakaraang taon (March 17, 2011). Sa laki ng kinita ng pelikulang ito,
patunay lang na maganda ang story. (*^_^)
Pahabol ... eto ang Trailer
eto ang may trailer na may subtitle... enjoy!














this movie is really great, i enjoyed it very much!!! thank you
ReplyDeletethis movie is really great, i enjoyed it very much!!! thank you
ReplyDeletei like this movie and i luv it. . . .bcause i love music. . .
ReplyDelete