Maganda ang trailer ng Minsan Lang Kita Iibigin. Mula sa mga cast at maging sa magiging ikot ng kuwento. Kakaibang Kim Chui ang makikita base sa mga trailer. Sa umpisa nga, akala ko ay talagang main cast siya iyon pala ay siya ang batang Lorna Tolentino…at bakit naman hindi…may K naman siguro siya at maging si Erich Gonzales na gaganap na batang Amy Austria.
Mukhang kakaibang Andi Eigenman din ang makikita dito..astig ang dating at maging si Maja Salvador na parehong love interest ng dalawang Coco Martin.
Base sa trailer, maganda ang kuwento ng bagong palabas na ito…sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga taong labas na may ipinaglalaban na paninindigan. Matatalakay rin ang mga isyung pampamilya sa pagitan ng mga magulang at anak; maging sa magkapatid at syempre tungkol sa pag-ibig.
Nakakatakam ang trailer. Nakakahikayat sa mga manonood kung kaya’t marahil marami na ang nag-aabang sa unang araw nito sa telebisyon subalit sana’y hindi lamang sa simula maging kapana-panabik ang serye sapagkat kung minsan ay basa na ng manonood ang mga mangyayari o kaya naman ay hindi ma-sustain ang ganda ng kuwento. Sana’y hindi lang simula at wakas ang maging kapana-panabik sa bagong palabas na ito.




No comments:
Post a Comment