Saturday, February 12, 2011

Struck by Windstruck


 ‘Let me introduce you to my girlfriend.’-Go Myung-woo
I love Jun Ji-hyun in the movie My Sassy Girl and I’m loving her more after watching Windstruck which was said to be the prequel of My Sassy girl.

Since I started this blog as my outlet of expressing and sharing my favorite movies and series, I want to share the movies that give me reason to love Asian movies.

Bukod kasi sa My Sassy Girl which I’ve already shared…I also Love Windstruck. Na-released ito noong 2004 sa South Korea, also directed by Kwak Jae-yong the same director of My Sassy Girl.

Hindi ko na matandaan kung ilang beses ko na itong pinanood pero sa tuwing pinanonood ko ito...hindi ko mapigilan ang aking mga luha. Hindi naman ito heavy drama pero I always end up wiping tears on my face.
 Tungkol ito sa kakaibang relasyon nina kay Officer Yeo Kyung-jin (Jun Ji-hyun) at Go Myung-woo (Jang Hyuk). Nagkakilala sila dahil sa isang snatcher na inakala ni Kyung-jin na si Myung-woo. Kakaibang babaeng pulis si Kyung-jin. Palaban at walang kinakatakutan samantalang isang Physic teacher ng all-girls school si Myung-woo.

Dalawang beses niya itong dinala sa headquarter pero nahuli ang totoong suspek at si Myung-woo ang humahabol dito bago pa siya hinuli ni Kyung-jin. Labis na ikinainis ni Myung-woo na hindi man lang ito humingi ng sorry at sa sinabi ni Kyung-jin na kung gusto raw nitong marinig ang salitang ‘sorry’ ay palitan n’ya muna ang pangalan niya ng ‘Sorry.’

Muli silang nagkita dahil sa naging escort ni Myung-woo si Kyung-jin sa pag-iikot sa isa sa delekadong district dahil sa balitang maraming high school students ang nagpupunta doon. Nauwi ang ikot nila ng makialam si Kyung-jin kasama si  Myung-woo na ipinosas niya sa kanya sa meeting ng mga Russian Mafia at Korean Gangster.

Simula noon ay lagi na silang magkasama hanggang anyayahan ni Myung-woo si Kyung-jin na magpunta sa countryside. Nabanggit ni Myung-woo habang sila’y nasa ibabaw ng bundok na kung sakaling mamamatay siya ay gusto niyang bumalik bilang hangin. Ikinuwento naman ni Kyung-jin ang tale tungkol sa pakikipag-bond ng pinky finger kapag nagpa-promise. Sa kanilang pagbabalik, muntik na mamamatay si Myung-woo sa automobile accident ngunit na-save siya ni Kyung-jin.

Mula sa pagiging nakatutuwang simula hanggang kalagitnaan nabago ito nang mabaril si Myung-woo ng isang pulis habang sinusundan niya si Kyung-jin na may hinahabol na kriminal. Inakala ni Kyung-jin na siya ang nakapatay dito kung kaya’t sobrang depression ang nangyari sa kanya na umabot sa paulit-ulit na pagpapakamatay na lagi naman siyang napipigilan o kaya’y naliligtas.

Nagpaparamdam ito sa pamamagitan ng hangin. Nagpakita rin si Myung-woo sa panaginip ni Kyung-jin nang muntik na siyang mamatay dahil sa nabaril siya ng criminal na dahilan ng pagkamatay ni Myung-woo. Sinabi niya kay Kyung-jin na magpatuloy sa buhay at wag mawalan ng pag-asa.

Nagpakita din si Myung-woo bago pumunta sa kabilang buhay at sinabi na kapag narinig niya ang bulong niya mula sa hangin ibig sabihin makikilala niya ang lalaking katulad ng n’ya. Sa Police station, may nagbalik sa book na naiwan ni Myung-woo mula sa restaurant na dapat sanang meeting place nila ni Kyung-jin n’ung araw na namatay ito. Narinig ni Kyung-jin ang boses ni Myung-woo kung kaya’t hinabol ni Kyung-jin ang nagsauli ng libro na ginampanan ni Cha Tae-hyun na nakita niya sa train station (kung saan doon nag-meet silang dalawa sa My Sassy Girl).

Pinatawa muna ako ng pelikulang ito bago ako pina-iyak ng pina-iyak. Nagustuhan ko ang kabuuang kwento kahit pa sabihing may pagka-fantasy ang kalahating part nito. Naramdaman ko ang pangungulila ni Kyung-jin and I just felt na mahirap talaga ang pinagdaanan n’ya lalo na’t inakala niyang siya ang nakabaril sa kanyang bf.

Maganda ang simula, bagay ang Knockin’ on Heaven’s Door na isa sa mga nakaakit sa akin para panoorin ang kabuuan nito. Maganda rin ang mga scenery na pinakita lalo na ‘yung nagpunta sila sa countryside. Nakaka-touch din ang ginawa ni Myung-woo sa piano ni Kyung-jin dahil sa hindi n’ya tinutugtog ang mga black keys nito kung kaya’t kinulayan niya ito ng puti.

May mga nagsasabing mas maganda pa rin ang My Sassy Girl pero pareho lang namang maganda. Kung susuriin kasi ang kabuuan ng Windstruck lumalabas na ito ang prequel ng MSG dahil sa mga character at ang ending ay siyang naman simula nito.

Sa dalawang pelikula ni Kwak Jae-yong, masasabing mas puno ng damdamin  at mas maaksyon ang Windstruck compared sa MSG na mas maraming happy moments at mas magaan ang bawat scene because I cried so much in Windstruck. I also love the soundtrack of this film especially ‘Tears’ by X-Japan.


4 comments:

  1. tinamaan din ako sa movie na to e..
    -amae

    ReplyDelete
  2. Ganda talaga nito. Kahit na anong movie talaga ni Jun Ji-hyun sarap ulit ulitin. Damay na rin ang mga movie ni Cha Tae-hyun. ^^V

    ReplyDelete
    Replies
    1. tamah... try mo panoorin ang The Thieves... nandun si Jun Ji-hyun...:)

      Delete