Showing posts with label Series Review. Show all posts
Showing posts with label Series Review. Show all posts

Thursday, August 2, 2012

Mary Stayed Out too long... :))


Matagal ko nang napanood ang Mary Stayed Out All Night o Marry Me, Mary pero ngayon ko lang natapos itong rebyu. Kung tutuusin nauna pa ang lyrics ng kanta nito dito sa blog ko kaysa sa kuwento at opinion ko about it. 

Well, it was aired last November 8 to December 28, 2010 on KBS. Di masyadong naging maganda ang rating nito sa Korea but I think it’s really a good series with cute cast. Pinalabas ito dito sa Pilipinas mula June 20 to August 5, 2011...sad to say may mga nawalang eksena. :(

It has 16 episodes...with lead star Moon Geun–young, Jang Geun-suk, Kim Jae-wook and Kim Hyo-jin. It’s about Wi Mae Ri (Moon Geun-young) and her fake marriage dahil sa kanyang ama Park Sang-Myeon na di nagtagumpay sa business at ang ending ay nagtatago sa mga loan shark company.

Na-meet ng kanyang ama ang dating matalik na kaibigan at napagkasunduan nilang ipakasal ang kanilang mga anak…si Mae Ri at si Byun Jung-in (Kim Jae-wook). Hindi ito nagustuhan ni Mae Ri kaya pinilit niya si Kang Mu-gyul(Jang Geun-suk) isang musikero na magpretend na husband for 100 days. Pero mas matalino ang tatay niya dahil ipina-register nito ang papel ni Mae Ri at Jung-in.

I love the cuteness of the two bida…Moon at Jang. They are adorable together. I also love to see Kim Jae-wook play a different role after Coffee Prince and he really played it well here.

Maraming nakakakilig na part sa buong series…mula sa unang episode hanggang huli. May nakakatuwa rin at medyo nakakaiyak na eksena.  Maganda ang mga songs na tinugtog ni Jang Geun-suk as Kang Mu-gyul sa series at umpisa palang lakas ng dating ng una niyang kinanta sa series ang ‘Buttakhae, My Bus.’ Ilan pa sa mga kinanta niya ang ‘My Precious’ at ‘Hello,hello’.

I like their pet names for each other in the series…its mung mung(aww-aww) at yow-eng-ie(meow)...sinabihan kasi ni Mu-gyul si Mae Ri na parang pusang magmakaawa dahil gusto nito na gumawa siya ng kasulatan na hindi siya maghahabol sa pagkakabangga nito sa kanya.



Isa sa mga nakakakilig sa seryeng ito ay nang tutugtog ang banda ni Mu-gyul at isinigaw niya ang 'Mary Christmas, I love you!' sa buong madlang people. (kakakilig, as in!) Super cute si Jang Geun Seuk with his long hair at rocker talaga ang dating.



Nagustuhan ko naman ang pagka-positive ni Mae Ri kahit na may mga problema tulad sa eksena kung saan kinuha lahat ng gamit sa bahay nila. Bumilang siya ng 1-10 at inisip niya ang kagandahan ng nangyari… at nasabi niya sa sarili na at least mas malawak na ang mgagalawan niya dahil wala nang mga gamit.

Sa buong series, wala akong ginawa kundi abangan ang super gwapong mukha ni JGS… LOL but I’m not saying na hindi ko like si MGY… Love them both. I enjoyed watching this series dahil na rin sa kabuuang kuwento nito. (*^_^)


photo credits to dramabeans

Saturday, April 14, 2012

Sungkyunkwan Scandal - girl power

I'm waiting for this series to be shown in our country. I've already finished watching it and I keep on watching it... just like I'm addicted to it! 

Anyway, this series is the reason why I love Park Min-young. :) 

2010 nang maipalabas ito sa South Korea. Meron itong 20 episodes katulad ng City Hunter. Sina Kim Won Suk at Hwang In Hyuk ang naging direktor nitong historical fiction drama na ito...may comedy rin. Si Jung Eun Gwol naman ang writer nito.

Umikot ang kuwento sa panahon kung saan ang mga kababaihan ay walang karapatang mag-aral o kaya ay maghanapbuhay ngunit dahil sa hirap ng buhay... napilitan si Kim Yoon Hee (Park Min Young) na magtrabaho gamit ang pangalan at magpanggap na Kim Yoon Shik... ang pangalan ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki na may sakit.





Nagtrabaho siya sa isang bookstore kung saan taga-gawa siya ng mga aklat o kaya mga reviewer ng mga estudyante. Pero dahil may utang silang kailangan bayaran, napilitan siyang patulan ang pagkuha ng exam para sa ibang tao sa isang sikat na paaralan ang Sungkyunkwan...kaya lang siya ang nahuli nang isang kumukuha rin ng exam na si Lee Sun Joon (Park Yoo Chun of JYJ). Pero hindi siya naisumbong sapagkat tinaksan niya ito matapos sulatan ang likod ng damit nito. Sa huli ay hinikayat si Yoon Hee ni Sun Joon na kumuha ng exam para makapasok at mapag-aral sa Sungkyunkwan. 



Nakapasa si Yoon Hee at doon nakilala pa niya si Gu Yong Ha (Soo Joong Ki), na unang naghinala na hindi siya tunay na lalaki at Moon Jae Shin (Yoo Ah In) na isang pasaway na estudyante. Dahil sa determinasyon at pagtitiyaga nagawa ni Yoon Hee na magawa ang mga bagay na ginagawa ng mga lalaki at natuwa siya sa mga bagay na natutunan niya na naging dahilan para maasar sa kanya ang president ng Student Body (Seo Hyo Rim).



Nakakatuwa ang pakikipagsapalaran ni Yoon Hee bilang si Yoon Shik. Isa na rito nang sila ang binigyan ng mga task bilang initiation sa pagiging freshman nila. Kinailangan niyang hanapin si Cho Sun (Kim Min Seo) na kilala sa kanyang kagandahan... at dahil inakala ng lahat na may nangyari sa kanilang dalawa binigyan siya ng nickname na Dae-mul si Yoon Hee... ibig sabihin the big thing..hehehe


Bukod sa nakakatuwang hardship ni Yoon Hee... pumasok din ang mga love interest sa pagitan ng tatlong lalaki na nakasama niya ... tuwing magkasama silang apat tinatawag silang Jalgeum Quartet o Joseon F4.


I was hoping na si Geol-oh ang makatuluyan niya... ito ang nickname ni Moon Jae Shin... dahil moody...mahirap magalit. Siya ang unang nakaalam sa tatlong lalaki na girlaloo si Yoon Hee dahil kay Yeo-rim nickname naman ito ni Gu Yong Ha.




















Matagal na kasing naghihinala si Yeo-rim sa pagkatao ni Yoon Hee kaya naglagay siya ng isang trap na pwede niyang mapatunayan ang kanyang hinala pero naunang dumating sa Geol-oh at pinigilan siya nitong makita ang bagay na siya ang nagbalak. Nakaka-excite ang part na ito... sapagkat tatlo silang nagpunta sa lugar kung saan naliligo si Yoon Hee.


Habang itong si Ga-rang tawag kay Lee Sun Joon...(dahil siya daw ay husband material) ay unti-unting nagkakaroon ng feelings kay Yoon Hee at iniisip niya na baka gay siya dahil nagkakagusto siya sa isang lalaki...si Yoon Shik na ang totoo ay si Yoon Hee.



Mala-Robin Hood ang dating ni Geol-oh dahil sa gabi ay nagsusuot siya ng pang ninja para mapahatid ng mensahe na nakasulat sa pulang papel kaya siya ay tinawag na Red Messenger. Alam ito ni Yeo-rim at nalaman din ito ni Yoon Hee kung saan tinulungan niya itong itago nang ito ay tamaan ng pana habang hinahabol ng mga kawal.




Maganda ang setting ng palabas at 'yung panahon...pero pumasok ang pagka-moderno sa love story. Parang mala-MULAN kasi ang dating. Punung-puno ng girl power... dahil hindi lang si Yoon Hee ang may kakayanan dito kundi si Cho Sun din... siya ang gumaya kay Geol-oh bilang Red Mesenger.

Magaganda rin ang mga OST... maganda ang melody at ang meaning ng song...lalo na 'yung Found You ng JYJ grupo ni Yoo Chun. Kakakilig tuwing ginagamit sa eksena nila ni Park Min Young.  Maganda rin ang Too Love... bagay naman sa mga eksena nila Yoon-Hee at Geol-oh.



Isa sa pinakamagandang bahagi nito, ang Dae Sa Rae (Archery Contest)... hindi nawalan ng lakas ng loob si Yoon Hee upang patunayan na kaya n'ya ring tapatan ang galing ng mga kalalakihan. Tinulungan siya ni Geol-oh at Ga-rang... at dito nagsimula ang love triangle.





Isa rin na magandang episode ay nang malaman ni Ga-rang na babae si Yoon-Hee. Parang Coffee Prince lang... lumayo si boy dahil akala niya bakla siya pero dahil nalaman na niya na tunay na babae si Yoon Hee...para siyang nakahinga nang bongga!







Isa lang ang medyo parang di gaanong klaro sa seryeng ito... hindi consistent kung araw na ba o gabi... may isang eksena kasi na maliwanag pa pero pagliko sa isang eskinita... gabi na agad. Pero kung ganda ng story ang pag-uusapan... hindi na masyadong pansin ang araw o gabi!

Ipapalabas ito sa abs-cbn hindi pa nga lang alam kung kelan... tapos na today ang City Hunter at ang kasunod ay Dream High... sana after DH ... eto naman!

Hindi nakakasawang panoorin... kahit ulit-ulitin!





(*^_^)

photo credits: dramabeans

Thursday, April 12, 2012

Series review: City Hunter


Excited ako nang ipalabas dito sa atin ang seryeng ito... dahil mas maganda manood kung hindi na kailangang magbasa ng subtitle... pero dahil sobrang late na ang timeslot nito... tinamad na ako at pinaulit-ulit ko na lang panoorin ang kopya ko.


Last year pa ito ipinalabas sa South Korea... from May to July 2011 na may 20 episodes. Kahit medyo madaming episode sulit naman ang story nito. Ipinalabas ito dito sa Pilipinas ng ABS-CBN from January until April 13, 2012.  Si Jin Hyuk ang Director nito at sina Hwang Eun Kyung at Choi Soo Jin ang  script writter.  Pero ito ay hango sa Japanese Manga na City Hunter na in-illustrate ni Tsukasa Hojo.





Clueless talaga ako sa tunay na ama ni Puchai na ginampanan ni Lee Min Ho sa serye. Buo sa akala ko na ang totoong ama niya ay ang matalik na kaibigan ni Steve Lee (Kim Sang-joon) iyon naman pala ay si President William Choi (Chun Ho-jin).  Nagkaroon naman ako nang ideya na baka si Pres. Choi ang tatay ni Johnny sa episode 16 kung saan kasabay niya itong kumain. Pareho sila ng gawi sa pagkain ng black beans.

Ang daming twist ng palabas na ito na nagbigay ng kakaibang dating sa mga manonood... nakakaakit ang bawat eksena at nakakatuwa 'yung paghula sa susunod na pangyayari. Pataas kasi ng pataas ang magiging interes ng isang manonood sa mga susunod na mga pangyayari.


Nagbigay din ng kulay ang love story ni Puchai o Johnny Lee at Kim Nana (Park Min Young). May kilig pero nakaka-sad doon sa part na kung saan iniwan ni Johnny si Kim Nana... heartbreaking ang episode kung saan sinabi ni Johnny kay Nana na sana ay hindi na niya ito nakilala pa.



Maaksyon din halos ang kabuuan ng series kasama si Prosecutor Jiro Kim (Lee Jun-hyuk) at nakatalagang hanapin kung sino ang City Hunter. Buo sa kanyang isipan na si Johnny Lee ang City Hunter pero dahil madulas si Johnny... hindi siya makakuha ng evidence na magpapatunay sa hinala niya.





Naging love interest din  ni Jiro si Kim Nana...pero nagselos siya nang makita si Johnny lee kasama ang kanyang ex-wife na si Clarisse Jin (Hwang Sun-hee). Sa huli episode, namatay si Jiro, na wish kong hindi sana nangyari... maganda kasi ang kanyang character pero syempre para mas maging kapani-paniwala... kaya siguro ganun.



Nagbigay kulay din at saya si Dindo Bae (Kim Sang-ho)... siya ang susi upang malutas ang kaso na kinasangkutan at ikina-paralisa ng ama ni Kim Nana. Siya kasi ang nakasaksi sa buong pangyayari at ang salarin ay ang ama ni Jiro Kim.

Bagay na bagay din ang mga sound track lalo na 'yung 'So Goodbye' ni Jonghyun ng SHINee at ang Suddenly ni Kim Bo Kyung.




Sa kabuuan, super ganda ng series at super like ang mga bida... syempre lalo na si Lee Min-ho. (*^_^)

Pahabol na mga pics...