Monday, March 28, 2011

Catch Me, I'm In Love

‘True love waits.’

Ito ang sinabi ni Roan Sanchez of Caloocan City na ginampanan ni Sarah Geronimo sa kanyang bagong pelikulang may pamagat na Catch Me…I’m In Love. Kapareha niya sa unang pagkakataon si Gerald Anderson bilang si Erick Rodriguez na anak ng presidente ng bansa. Hatid ito ng Star Cinema at Viva Films sa direksyon ni Mae Cruz.


Simple lang ang takbo ng story tulad ng ibang romantic comedy. Sinimulan sa panaginip kung saan nakita ni Roan ang isang nakatalikod na lalaki. Pipilitin niyang malapitan ito sa dami ng mga taong naglalabas pasok upang makita ang mukha nito subalit mabibigo dahil magigising siya.

Nag-iisang babae sa magkakapatid kaya’t madalas ay pinag-aasar siya ng kanyang mga kuya dahil sa hindi pa ito nagkakaroon ng boyfriend. Maging ang kanyang mga kasamahan sa trabaho ay naiinip sa paghihintay. Sa isang event na in-organized ng Helping Hands a non-profit organization kung saan isa siya sa social worker, nakilala niya si Erick. Hindi sinasadyang nakapagbigay ng comment si Roan habang nagbibigay ng speech si Erick.

Dahil sa insidenteng naganap ipinatawag siya ng presidente na ginampanan ni Christopher De Leon na inakala niyang nagalit subalit kabaligtaran ang nangyari. Pinasama nito sa immersion si Erick at si Roan ang mag-eevaluate sa performance nito.

Sa unang part ng pelikula puno ng mga nakakatuwa at nakakakilig na eksena. Halos lahat ng manonood ay napapahagikgik o kaya nama’y matatawa ng malakas o kaya nama’y kilig na kilig sa mga eksena na magkasama ang dalawang bida.


Sa bandang gitna nagkaroon ng problema kung saan sila na at dahil sa anak ng presidente si Erick nagkaroon ng insecurities si Roan habang si Erick naman ay ginagawa ang lahat at walang pakialam sa sinasabi ng ibang tao.

Walang love triangle sa story although nandoon si Matteo Guidicelli na may lihim na pagtingin kay Roan. Tumakbo ang istorya sa mga isyung pansarili ni Roan kung dapat pa ba niyang ituloy ang kanilang relasyon o hindi na samantalang si Erick problema sa pagitan ng kanyang ama ang isyu.

Kumpara sa ibang pelikulang Pinoy, mas mabilis ang mga pangyayari sa loob ng pelikulang ito pero maganda ang kabuuan. It will remind you of how you fall in love for the first time. Feelings na masarap maramdaman…habang kasama ang nagpatibok ng iyong puso.


Mahusay ang pagganap ni Sarah Geronimo at natural ganoon din naman si Gerald Anderson. May chemistry silang dalawa na kaya nilang pakiligin ang mga manonood. Noong una may mga nagsasabi na parang di naman sila bagay ngunit habang nanonood ay imposibleng hindi ka kiligin.

It’s a nice movie…masarap sa pakiramdam habang lumalabas ng sinehan dahil maganda at masaya. Isa rin sa maganda sa mga pellikula ni Sarah ay wala gaanong kissing scene na kung minsan ay nakaka-umay na.

Graded B ito ng Cinema Evaluation Board kaya’t pwedeng pambuong pamilya. 





Pahabol.... posible kaya na magkaroon ng part 2...wish ko lang! 

4 comments:

  1. Ano po ang kahulugan ng pamagat na catch me im in love ?

    ReplyDelete
  2. Sa movie, ang ibig ipakahulugan ng Catch me I'm in love ay pagkagusto ni Roan kay Erick at ganoon din ito sa kanya.

    ReplyDelete
  3. Super like po ito ma'am ! hahahhahaha:)))♥

    ReplyDelete