Thursday, April 12, 2012

Series review: City Hunter


Excited ako nang ipalabas dito sa atin ang seryeng ito... dahil mas maganda manood kung hindi na kailangang magbasa ng subtitle... pero dahil sobrang late na ang timeslot nito... tinamad na ako at pinaulit-ulit ko na lang panoorin ang kopya ko.


Last year pa ito ipinalabas sa South Korea... from May to July 2011 na may 20 episodes. Kahit medyo madaming episode sulit naman ang story nito. Ipinalabas ito dito sa Pilipinas ng ABS-CBN from January until April 13, 2012.  Si Jin Hyuk ang Director nito at sina Hwang Eun Kyung at Choi Soo Jin ang  script writter.  Pero ito ay hango sa Japanese Manga na City Hunter na in-illustrate ni Tsukasa Hojo.





Clueless talaga ako sa tunay na ama ni Puchai na ginampanan ni Lee Min Ho sa serye. Buo sa akala ko na ang totoong ama niya ay ang matalik na kaibigan ni Steve Lee (Kim Sang-joon) iyon naman pala ay si President William Choi (Chun Ho-jin).  Nagkaroon naman ako nang ideya na baka si Pres. Choi ang tatay ni Johnny sa episode 16 kung saan kasabay niya itong kumain. Pareho sila ng gawi sa pagkain ng black beans.

Ang daming twist ng palabas na ito na nagbigay ng kakaibang dating sa mga manonood... nakakaakit ang bawat eksena at nakakatuwa 'yung paghula sa susunod na pangyayari. Pataas kasi ng pataas ang magiging interes ng isang manonood sa mga susunod na mga pangyayari.


Nagbigay din ng kulay ang love story ni Puchai o Johnny Lee at Kim Nana (Park Min Young). May kilig pero nakaka-sad doon sa part na kung saan iniwan ni Johnny si Kim Nana... heartbreaking ang episode kung saan sinabi ni Johnny kay Nana na sana ay hindi na niya ito nakilala pa.



Maaksyon din halos ang kabuuan ng series kasama si Prosecutor Jiro Kim (Lee Jun-hyuk) at nakatalagang hanapin kung sino ang City Hunter. Buo sa kanyang isipan na si Johnny Lee ang City Hunter pero dahil madulas si Johnny... hindi siya makakuha ng evidence na magpapatunay sa hinala niya.





Naging love interest din  ni Jiro si Kim Nana...pero nagselos siya nang makita si Johnny lee kasama ang kanyang ex-wife na si Clarisse Jin (Hwang Sun-hee). Sa huli episode, namatay si Jiro, na wish kong hindi sana nangyari... maganda kasi ang kanyang character pero syempre para mas maging kapani-paniwala... kaya siguro ganun.



Nagbigay kulay din at saya si Dindo Bae (Kim Sang-ho)... siya ang susi upang malutas ang kaso na kinasangkutan at ikina-paralisa ng ama ni Kim Nana. Siya kasi ang nakasaksi sa buong pangyayari at ang salarin ay ang ama ni Jiro Kim.

Bagay na bagay din ang mga sound track lalo na 'yung 'So Goodbye' ni Jonghyun ng SHINee at ang Suddenly ni Kim Bo Kyung.




Sa kabuuan, super ganda ng series at super like ang mga bida... syempre lalo na si Lee Min-ho. (*^_^)

Pahabol na mga pics...




No comments:

Post a Comment