"If we have a boyfriend, but he's never free to eat out with us, never have time to go anywhere with us, so what's the point of having one?"
Simula ng mapanood ko ang Crazy Little Thing Called Love nagkaroon na ako ng interes sa mga Thai Movie. Nagsimula akong mag-search ng mga Thai movie…and the title of this movie caught my attention.
Na-released ito, two years ago by GTH…October 15, 2009 sa Thailand. It was directed by Adirsorn Tresirikasem and the story written by Navapol Thamrongruttanarit.
Isang typical na kwento ang hatid ng movie na ito. Tungkol sa isang 30 yrs. old na girl na si Mei Li (Sirin Horwang) na nakaramdam ng lungkot ng mag-asawa ang kaibigan niyang si Ped. Pressured din siya dahil sa siya na lang ang walang asawa sa kanilang magkakaibigan. Sa Kasal ni Ped, marami siyang nainom na wine kaya ang ending nakatulog siya sa kwarto ng bagong kasal. Nagising siya ng madaling araw ngunit muntik mabangga ang kanyang minamanehong kotse at sumadsad ito sa barrier para matanggal ang side mirror nito. Dito niya nakilala si Loong (Theeradej Wongpuapan) isang engineer na nagta-trabaho sa BTS skytrain.
Sa loob ng 17 years, inisip niya na ang hindi maganda na babae ang gumawa ng first move sa lalaki dahil sa sinabi ng nanay niya noon…pero nalaman n’ya sa kanyang ina na ito pala ang unang gumawa ng paraan para maging malapit sila ng tatay nito. Kaya gumawa siya ng paraan para magkalapit sila ni Loong.
Nakakatuwa ang effort na ginawa ni Mei Li para makasama si Loong kahit magkaiba sila ng oras ng trabaho. Pang-umaga kasi si Mei Li habang panggabi naman si Loong. Ilang gamit ni Loong ang aksidenteng nasira ni Mei Li…una ang sunglasses, laptop at ang digital camera nito. Pero gumawa siya ng paraan para makabawi at naging malapit sila.
Inanyayahan ni Loong si Li na sumama sa Family day ng BTS at doon nalaman ni Li na aalis pala si Loong para mag-aral sa Germany for two years. Gusto sana ni Loong na ipagpatuloy kung anong meron sa kanila kahit malayo siya pero mas pinili ni Li na maging acquaintance na lang sila.
Maganda ang story…magaan sa pakiramdam at talagang nakakatawa ang mga eksena. Maganda rin ang chemistry ng dalawang bida…ramdam ang kilig at saya ng palabas dahil sa kanila. Nakaka-touch sa bandang hulihan kung saan may pinadalang box si Loong kay Li at nakalagay lahat doon ang mga bagay na nag-connect sa kanilang dalawa…side mirror, box ng sunglasses, sirang laptop at digicam. Nagustuhan ko ang naging ending…kahit medyo basa na ng manonood na muli silang magkikita after two years…naging maganda pa rin ang dating ng katapusan.
Sa kabuuan, worth it ang oras ko sa panonood ng pelikulang ito and I really like the idea of movie like this one na kikiligin ka kahit walang kissing scene. Kahit sino pwedeng maka-relate sa kuwento, di lang ito para sa mga babae pwedeng-pwede rin sa mga lalaki.(*^_^)









i like your review on this film!! -amae
ReplyDeletewow i really love this movie...
ReplyDeletePapanuuren ko ito for sure! Next on my couchpotato sked. Hehehe
ReplyDelete