Have you ever fall in love with a stranger? If yes, siguro ay makakarelate ka sa kuwento ng Hello Stranger, isang Thai film na kinunan ang halos 90% ng movie sa bansang Korea.
I have this eagerness to know film from Thailand because it gives me different taste and Hello Stranger is another great movie I’ve watched. It was released last year 2010 and directed by Banjong Pisanthanakun (siya rin ang director ng Shutter at Alone).
Attracted na ako sa trailer pa lang ng movie na ito at talagang inabangan ko sa youtube…(sa youtube ko lang pinanood dahil hindi naman maipapalabas dito sa atin L).
Tungkol ito sa isang lalaki’t babae na nagpunta sa bansang Korea at doon nagkita at nagkasama sa isang masayang adventure na gusto nilang gawin.
Heartbroken si Lalaki dahil supposed to be kasama niya ang GF niya sa tour pero bigo dahil sa nabalitaan niyang magpapakasal na ito sa iba habang si Babae naman ay nagsinungaling sa kanyang BF na kasama niya ang kanyang bestfriend but later on ay nalaman nito at sila’y nagbreak.
Dahil sa walang kakilala si Lalaki at hindi siya familiar sa lugar kaya bumuntot siya sa babae at nagshare sila ng mga gusto nilang mga gawin at ng kanilang lovelife. And later on, sa kanilang pagbalik sa Thailand ay saka lang nila nalaman ang kanilang mga nararamdaman para sa isa’t isa.
Nakakatuwa ang kabuuang ng pelikula mula sa umpisa hanggang sa katapusan nito. Nandoon ang thrill at excitement kung magkakatuluyan ba sila o hindi…maging ang tunay na pangalan ng mga character ay kaabang-abang ngunit sawi ang manonood na malaman ang real name ng mga bida.
They have this saying “It’s nice not knowing you!” Sabi kasi ng babae mas maganda na hindi nila alam kung anong tunay nilang mga pangalan para di complicated…para kung sakaling nakakahiya ang gawin nila ay hindi nila maipagsasabi sa iba. Kaya gumawa sila ng tawagan ‘Dang’ si lalaki na ginampanan ni Chanthavit Dhanasevi na siya ring bida sa Coming Soon a horror film at ‘May’ naman si babae na ginampanan naman ni Nuengthida Sophon.
Magaling ang naging pag-arte nila at ramdam ko ‘yung enjoyment nilang dalawa habang nilalakbay ang kabuuan ng bansang Korea lalo na ang mga lugar kung saan nag-shoot ng mga Koreanobela.
Nakakatuwa ang part kung saan natulog sila sa isang hotel at naglokohan sila about their lovelife. Kahit ako nakaramdam ng kaba dahil seryoso, iyon naman pala ay isang malaking joke!
Isa sa mga magandang eksena ang ginawa ni Dang para kay May ay isang date kay Bae Yong Joon dahil sa idol niya ito…but wait…noong una akala ko talaga si Yong Joon... iyon pala..kamukha lang! At ang isa ay nung nasa may skiing sila…gusto ng babae na makakita ng snow at kung nandun na siya ay maghuhubad siya ng naked at si lalaki naman ay kakain ng snow dahil gusto niyang malaman ang lasa nito. It was really funny and sweet!
Kakabitin nga lang ang katapusan dahil sa hindi malaman kung nagkita ba talaga sila pagbalik sa Thailand dahil sa favorite radio program lang nalaman ng babae na hindi pala natuloy ang pagpapakasal ni Dang sa GF niya at siya pala ang talagang mahal nito. Hanggang sa huli stranger pa rin ang mga bida sa mga manonood dahil sa hindi man lang nalaman ang real name ng dalawa.
It’s a feel good movie…you'll laugh and cry then you’ll fall in love! (*^_^)







I jut wanna compliment you for a job sooo nice!!!Almost all that you have posted here mga favorite ko..LOL..I notice mahilig ka talaga sa mga sassy movies as what your blog name shouts...God Bless... Should you wish to consider marami pang korean movies na nice..Innocent Steps, My Little Bride, Love Me Not, Daisy, Love Phobia, Daddy Long Legs, A Moment To Remember, The Classic, Seducing Mr. Perfect, Art of Seduction, Sad Movie, My Tutor Friend, 100 Days with Mr. Arrogant, Ditto at Too Beautiful to Lie...May mga action packed naman na worth watching talaga tulad ng Bittersweet Life, The Good The Bad and the Weird at The Man From Nowhere...May Hindi film din na "KItes" at Chinese movie na "Secret"..I hope mag enjoy ka sa mga naishare ko sayo....
ReplyDeleteThanks Darlene...how thoughtful...actually, lahat halos ng nabanggit mo napanood ko na rin...Natutuwa naman ako at gusto mo ang mga inilalagay ko dito...(*^_^)
ReplyDeleteWow. nakakatuwa naman malaman at least I've got companion. Alam mo kung among funny for me, seldom lang ako mabaliw sa lokal drama at teleserye as well as movie at sa buong buhay ko MLKI lang yong talagang inabangan ko at Sarah Geronimo movies lang din and pinanuod ko. Anayways, so much for that one, I'll manage to visit your blog despite my busy shed at baka may mapanood ka na hindi ko pa nakikita at least mabasa muna and review mo.<3<3<3
ReplyDeleteWell, Dalene, busy rin kasi ako kaya hindi ko pa ulet ako makapagpost...anyway, so glad, we can share our likes and point of views sa mga palabas na napanood at mapapanood pa lang natin...Thanks a lot! :))
ReplyDeletemukha ngang maganda..nais ko din itong mapanood..masaya na nakakabitin..ayon sa kwento muh..weeeee
ReplyDeleteIlang beses ko na rin po ito na ulit-ulit. :D
ReplyDelete