Monday, February 21, 2011

Speedy Scandal

Marami na akong napanood na movie na madalas ang bida ay si Cha Tae-hyun at isa na na dito ang Speedy Scandal kung saan isa siyang lolo sa edad na 36. Syempre, nakakatawa pero sa bandang huli may konting kurot sa puso.

It was released in December 2008 and directed by Kang Hyeong-cheol distributed by Lotte Entertainment. Kasama  si Park Bo-young dito na gumanap bilang si Hwang Jeong-Nam na anak ni Cha na gumanap bilang si Nam Hyeon-soo.

Isang Disk Jockey sa isang radio station si Nam Hyeon-soo na dating Teen Idol. Sa kanyang radio program madalas tumawag o kaya ay magpadala ng message ang mga listener niya tungkol sa paghingi ng payo at isa sa naging caller niya ay si Hwang Jeong-Nam. Single mother ito na humihingi ng payo kung kailangan ba niyang puntahan at magpakilala sa kanyang tatay. Pinayuhan niya ito not knowing na siya pala ang ama na tinutukoy nito.

Dumating Si Jeong-nam na ang tunay na pangalan ay Jae-in kasama ang anak niya na si Hwang Ki-dong (Wang Seok-Hyeon) sa bahay niya. Di n’ya matanggap na may anak na siya kaya para makasiguro nagpa-DNA blood test sila at lumabas na siya nga ang ama nito. Wala siyang nagawa kundi patirahin ito sa kasama niya. Iningatan niyang hindi malaman ng media and tungkol sa kanyang anak dahil sa ayaw niyang magka-scandal.

Naging popular sa kanyang radio program ang tungkol sa buhay ni Jae-in at dahil dito gumawa siya ng update tungkol sa nangyayari sa kanyang anak para makakuha ng magandang rating. Magaling kumanta si Jae-in at sumali siya sa isang radio contest kung saan DJ si Hyeon-soo. Noong una ay tinutulan niya itong sumali ngunit sa huli ay natutunan n’ya ring alalahanin at mahalin ang dalawa.

Si Hyeon-soo na rin ang tumayong guardian nung dalawa at dahil sa paghahatid niya kay Ki-dong sa school ay nakilala niya ang teacher nito kung saan naging love interest niya. Sa kalagitnaan ay nag-away silang mag-ama at naglayas sila Jae-in isang dahilan ang pagtutol sa pagsali sa contest. Pero ginamit ni Hyeon-soo ang radio program para iparating kay Jae-in na nabigla lang siguro ang papa niya at hindi nito sinasadya ang nangyari at pinauuwi na niya ito.

Ngunit sa mismong grand finals…nawala si Ki-dong at humingi ng si Jae-in ng tulong kay Hyeon-soo habang nagsasalita ito sa stage. Tinawag niya itong ‘papa’ na ipinagkaila naman ni Hyeon-soo nung una dahil sa ayaw nga niyang magkaroon ng scandal. Ngunit nang makita niyang kinakaladkad na ng mga security guard si Jae-in ay hindi niya natiis at tinulungan n’ya.

Sa araw ng kanilang press conference para linawin ang scandal. Magsisimula pa lang ito ay nabaling na ang attention ng mga tao sa ibang artista. Ito ay dahilan kung bakit Speedy Scandal ang pamagat…dahil bago pa lang magsisimula ang scandal sa buhay ni Hyeon-soo ay natabunan na ito ng iba pang scandal sa ibang artista.

Na-enjoy ko ang kabuuan ng movie. Ngustuhan ko ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at maging ang mga eksena about sa Father and daughter. Magaling ang pag-arte nila Cha Tae-hyun at Park Bo-young parang natural lang. I also like the part that Bo-young sing and the last part kung saan the whole family sing ‘Walking on Sunshine.’

(While watching it…I was thinking about my father. Well, isa sa masarap gawin ang tumugtog ng gitara with your father. )
I love her voice...she's great!
 I never thought it would be a family oriented movie…dahil sa pamagat nito.  Gusto ko ang values na inilagay sa loob ng story…ang pagkakaroon ng pakialam sa kapwa mo…lalo na kung kapamilya mo. Matutong pahalagahan ang mga taong nakapaligid sa atin.
this is really funny...LOL..
 Hindi na ako magtataka kung bakit naging box office hit ang pelikulang ito dahil sulit na sa tawanan, may magandang bagay din ipinababatid sa mga manonood. Another great movie of Cha Tae-hyun.

2 comments:

  1. ate san ba pwde mag DL nito? thanks po! :)

    ReplyDelete
  2. wow mukhang maganda. mapanood nga.. :)

    ReplyDelete