Friday, November 8, 2013

Princess Hours, ipapalabas ulet!




Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang pinanood ang palabas na ito. Nitong mga nakaraang linggo nga, pinag-uusapan pa namin ito ng aking mga so-called friends and we watched it again...magkaibang lugar nga lang... haha~

Nakakamiss naman kasi ang palabas na ito... lalo na 'yung mga moments nila Prince Lee Shin (Gian) and Princess Shin Chae Kyeong (Janelle). Mala-Cinderella ang kuwento ng serye at nakakakilig ang kanilang mga eksena. Nai-relate pa ang seryeng ito sa kuwento ni Prince Charles at Princess Diana.



Dito ko unang nakilala si Yoon Eun Hye na gumanap bilang si Janelle at simula n'un, halos lahat ng kanyang ginawang mga serye ay pinanood ko na. Tamang adik lang.


Itong seryeng ito ay may 24 episode. Sa simula nakakatawa pero habang tumatakbo sa kalagitnaan pumapasok ang conflict at syempre nakaka-inlove ang ending.

Sure ako sa sarili ko na panonoorin ko ulet ito! Pakiramdam ko nga first time ko lang ulet dahil super excited ako.haha~
(*^_^)

Friday, September 20, 2013

Balik-tanaw sa Dead Poet Society


"I went to the woods because I wanted to live deliberately, I wanted to live deep and suck out all the marrow of life, To put to rout all that was not life and not when I had come to die Discover that I had not lived."

Linya galing sa pelikulang Dead Poet Society. Isa ito sa masasabi kong inspiring film na napanood ko. 
In some point in my life, this movie inspire me to inspire other people. At dahil National Teacher's Month ngayon (September 5 to October 5), gusto kong ibahagi ang pelikulang ito.


First of all, I love Professor John Keating played by Robin Williams. Umikot ang kuwento sa kanya at kung paano niya in-inspires ang kanyang mga mag-aaral sa Welton Academy. Bilang English professor, nahikayat niya ang kanyang mga tinuturuan na mahalin ang poetry at mabago ang kanilang buhay.

Maganda ang mga linyang ginamit sa pelikula na nakakapagpataas ng spirit lalo nang mga estudyante. Natutuwa ako sa paraan ng pagtuturo ni Keating...ang pagbibigay niya ng kahulugan sa nilalaman ng mga tula na kanilang pinag-aaralan. 

May bahaging medyo madamdamin lalo na ng magpakamatay si Neil Perry (Robert Sean Leonard) dahil sa ang kagustuhan ng father niya ang dapat masunod at iyon ang naisip niyang paraan. Ito rin ang dahilan kung bakit napatalsik si Prof. Keating. Siya ang sinisisi sa nangyari. Sa huli, natuloy ang kanyang pag-alis sa academy, pero alam niya na may naiwan siyang aral sa kanyang mga mag-aaral. Nakaka-touch ang bahaging paalis na siya...tinawag siya ni Todd Anderson (Ethan Hawke) ng 'O Captain, My Captain!'  


Maganda ang daloy ng mga pangyayari kaya nga lang may mga part na parang boring para sa iba. But if you love poetry and want to be inspire, you must see this film. (*^_^)

Sunday, September 15, 2013

New series of Yoon Eun Hye

Sa palagay ko, mag-eenjoy ako sa panonood ng mga series ngayong October dahil bukod sa bagong serye ni Lee Min Ho at Park Shin Hye na Heirs... may bago ring serye si Yoon Eun Hye kasama si Lee Dong-gun.



Time-traveling naman ang tema ng serye nila na may pamagat na Mi-rae's Choice. Gusto ko 'yung idea na nagtime-travel ang bida para baguhin ang mga naging desisyon niya sa past pero kung paano n'ya gagawin, iyon ang gusto kong abangan. 


I always want to see Yoon Eun Hye in a series. Kasama nga rin pala sa series na ito si Jung Yong-hwa. October 14 naman ito magsisimula sa KBS2. Hindi ko ito palalagpasin. 

Naalala ko tuloy ang music video ni Eun Hye na Salad Song kasama n'ya dun si Lee Dong-gun. Eto 'yung MV 


(*^_^)


Photo credits to dramabeans

Friday, September 13, 2013

Waiting for Heirs!

Dalawa sa paborito kong Korean celebrity ang magkasama 
sa isang bagong TV series na may pamagat na Heirs. 

Si Lee Min Ho at si Park Shin Hye.



Ayon sa post na nabasa ko, nagscript rehearsal na ang mga cast 
at nagsisimula na silang magshoot ng mga eksena ng palabas na ito 
at  inaasahang magsisimula sa October 9 sa SBS.




Excited na akong mapanood ito 
dahil mukhang maganda ang plot 
kahit parang modern day Cinderella ang takbo ng kuwento. 
Anyway, karaniwan may kakaibang twist ang mga Korean series 
kaya I'm looking forward sa mangyayari 
sa mga main character.
(*^_^)

Monday, August 26, 2013

HKLM Ending - nakakabitin



Nabitin ako sa wakas ng Huwag Ka Lang Mawawala pero maganda naman ang kinalabasan


Umaasa ako na si Alejo (John Estrada) at Anessa (Judy Ann Santos) ang magkakatuluyan...meron namang pahiwatig na posibleng maging sila. Siguro kung itutuloy pa ang kuwento doon papunta ang kanilang love story.

Magaling naman ang pagkakaganap ni Sam Milby bilang Eros Diomedes. Epektibo ang pagiging kontrabida niya at ang pagiging psycho.


Nagustuhan ko naman ang character ni KC Concepcion bilang Alexis Ganzon, sa umpisa kasi nakakainis ang ginagawa niyang panggugulo at pagkahumaling kay Eros pero sa huli na-realize niya ang mga pagkakamali niya at ang tunay na pag-uugali ni Eros. Nakuha pa niyang barilin ito.

Sa kabuuan ng serye, mas angat ang mga karakter ng mga tauhang babae. Mula sa pagiging mahina ay natutong tumayo at ipaglaban ang kanilang karapatan bilang babae at iyon ang isa sa mga nagustuhan ko. Girl Power! (*^_^)


Saturday, August 17, 2013

That winter, the wind blows: happy ending




SPOILER ALERT: Masaya ang ending ng That winter, the wind blows.


Tama, spoiler ako para sa mga di pa natatapos panoorin ang seryeng ito. Kaya naman humihingi na ako ng paumahin. :)


Super like ko si Song Hye Gyo (bukod kay Jeon Ji-hyun) sa mga Korean actress, maganda kasi at magaling umarte kaya di ko pinalagpas ang seryeng ito. Maganda trin ang trailer kaya talagang nagkainteres ako na panoorin ito.



Umikot ang story kay Oh Young (Song) at Oh Soo (Jo In Sung) na parehong naging malungkot ang paglaki.


Si Oh Young, anak ng isang mayamang may-ari ng malaking korporasyon, bulag at nangungulila sa kanyang nanay at kapatid. Si Oh Soo naman ay iniwan sa ilalim ng puno habang winter noong bata pa. Big time gambler at playboy.


Nang mamatay ang tatay ni Young, hinanap ni Atty. Jang ang kapatid niya sa utos ng ama niya para makasama niya at si Oh Soo ang nahanap niya na kapangalan nito at tuluyang nagpanggap na kapatid para makakuha ng pera at makabayad siya sa utang. Pero sa huli na-inlove si Oh Soo kay Young... at hinangad niyang magbago para dito.


Nakak-inlove. Nakaka-iyak. Nakakadala ang mga eksena. Effective ang pagiging kontrabida ni Bae Jong Ok bilang si Wang Hye Ji. Nakakatuwa naman ang character ni Kim Bum bilang si Park Jin Sung at maging si Jung Eun Ji na gumanap na si Moon Hee Sun.


Pero napuna ko lang na parang may mga part na di na makatotohanan. Inoperahan si Young dahil sa brain tumor at kinailangan niyang mag-undergo ng 20 times na chemotheraphy pero parang walang nangyari sa kanya...super ganda pa rin. Nakuha ring saksakin ni Park Jin Sung si Oh Soo na matalik niyang kaibigan.

Hindi rin masyadong malinaw kung paano nabuhay si Oh Soo matapos saksakin ni Jin Sung at kung paano nakaligtas ang pamilya niya. Parang minadali na huling episode na nag-iwan sa akin at siguro sa ibang manonood ng tanong tungkol sa mga nangyari.

Gan'on pa man, magaling umarte ang mga artista at maganda ang mga lugar ng serye. Maganda rin 'yung last part na muling nagkita sila Young at Oh Soo... panahon ng cherry blossom... nakaka-inlove ang muli nilang pagkikita.

Isa pa sa nagustuhan ko sa palabas na ito, ang mga voice over ni Oh Soo tungkol sa mga realization n'ya. Ang mga dahilan niya para mabuhay at kung paano niya maililigtas si Young sa kanyang karamdaman. Nakaka-inlove ang character ni Jo In Sung.


Kakaiba rin ang story niya sa pangkaraniwang series dahil kapana-panabik ang mga susunod na mangyayari sa bawat episode...kaya siguro maganda ang dating nito sa mga manonood.


Mayroon itong 16 episode at last two weeks na lang ito sa ABS-CBN Kapamilya at matatapos na. (*^_^)



Photo credits to Dramabeans

Friday, August 2, 2013

Huwag ka lang mawawala - exciting!


Hindi ko masyadong pinag-aaksayahan ng panahon na sundan ang mga telenobela ni Judy Ann Santos. Lagi kasi siyang kawawa. Laging umiiyak at inaapi. Napakatagal pa ng mga susunod na pangyayari... kumbaga nakaka-umay kaya karaniwan... sinisimulan ko lang ito at hihintayin ang nalalapit na pagtatapos.

Pero sa bago niyang teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala...hindi ko magawang basta na lang isnabin ang mga eksena at mga araw. Mabilis kasi ang mga pangyayari hindi nakakainip at higit sa lahat hindi na basta api-apihan ang karakter ni Juday.

Nagustuhan ko pagbabago ni Anessa Panaligan (Judy Ann Santos). Naapi at pinagkaitan ng karapatan sa kanyang anak pero bumangon, nag-aral at mas naging matapang para bawiin ang nawala sa kanya.

Epektibo rin si KC Concepcion (Alexis) bilang kontrabida... sa sobrang kabaliwan sa pag-ibig kay Eros (Sam Milby), okay lang na maging kabit...pero sabi nga n'ya sa episode kagabi... hindi siya kabit! haha!

Exciting ang mga eksena at bawat araw may mga bagong pangyayari. Tumatagos din ang mga bitaw ng salita ni Juday... I super love it!

Sana lang hindi ganoon kagabi kung minsan inaabot na ako ng antok mahintay lang ang palabas!

Eto ang pumalit sa Ina, Kapatid, Anak. Nagsimula nung June 17, 2013 at patuloy pa ring umiere  tuwing gabi sa ABS-CBN, Lunes hanggang Biyernes  pagkatapos ng Muling Buksan ang Puso.
(*^_^)