Friday, August 2, 2013
Huwag ka lang mawawala - exciting!
Hindi ko masyadong pinag-aaksayahan ng panahon na sundan ang mga telenobela ni Judy Ann Santos. Lagi kasi siyang kawawa. Laging umiiyak at inaapi. Napakatagal pa ng mga susunod na pangyayari... kumbaga nakaka-umay kaya karaniwan... sinisimulan ko lang ito at hihintayin ang nalalapit na pagtatapos.
Pero sa bago niyang teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala...hindi ko magawang basta na lang isnabin ang mga eksena at mga araw. Mabilis kasi ang mga pangyayari hindi nakakainip at higit sa lahat hindi na basta api-apihan ang karakter ni Juday.
Nagustuhan ko pagbabago ni Anessa Panaligan (Judy Ann Santos). Naapi at pinagkaitan ng karapatan sa kanyang anak pero bumangon, nag-aral at mas naging matapang para bawiin ang nawala sa kanya.
Epektibo rin si KC Concepcion (Alexis) bilang kontrabida... sa sobrang kabaliwan sa pag-ibig kay Eros (Sam Milby), okay lang na maging kabit...pero sabi nga n'ya sa episode kagabi... hindi siya kabit! haha!
Exciting ang mga eksena at bawat araw may mga bagong pangyayari. Tumatagos din ang mga bitaw ng salita ni Juday... I super love it!
Sana lang hindi ganoon kagabi kung minsan inaabot na ako ng antok mahintay lang ang palabas!
Eto ang pumalit sa Ina, Kapatid, Anak. Nagsimula nung June 17, 2013 at patuloy pa ring umiere tuwing gabi sa ABS-CBN, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Muling Buksan ang Puso.
(*^_^)
Labels:
ABS-CBN,
Girl power,
Huwag ka lang Mawawala,
Judy Ann Santos,
TV series
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment