Saturday, August 17, 2013

That winter, the wind blows: happy ending




SPOILER ALERT: Masaya ang ending ng That winter, the wind blows.


Tama, spoiler ako para sa mga di pa natatapos panoorin ang seryeng ito. Kaya naman humihingi na ako ng paumahin. :)


Super like ko si Song Hye Gyo (bukod kay Jeon Ji-hyun) sa mga Korean actress, maganda kasi at magaling umarte kaya di ko pinalagpas ang seryeng ito. Maganda trin ang trailer kaya talagang nagkainteres ako na panoorin ito.



Umikot ang story kay Oh Young (Song) at Oh Soo (Jo In Sung) na parehong naging malungkot ang paglaki.


Si Oh Young, anak ng isang mayamang may-ari ng malaking korporasyon, bulag at nangungulila sa kanyang nanay at kapatid. Si Oh Soo naman ay iniwan sa ilalim ng puno habang winter noong bata pa. Big time gambler at playboy.


Nang mamatay ang tatay ni Young, hinanap ni Atty. Jang ang kapatid niya sa utos ng ama niya para makasama niya at si Oh Soo ang nahanap niya na kapangalan nito at tuluyang nagpanggap na kapatid para makakuha ng pera at makabayad siya sa utang. Pero sa huli na-inlove si Oh Soo kay Young... at hinangad niyang magbago para dito.


Nakak-inlove. Nakaka-iyak. Nakakadala ang mga eksena. Effective ang pagiging kontrabida ni Bae Jong Ok bilang si Wang Hye Ji. Nakakatuwa naman ang character ni Kim Bum bilang si Park Jin Sung at maging si Jung Eun Ji na gumanap na si Moon Hee Sun.


Pero napuna ko lang na parang may mga part na di na makatotohanan. Inoperahan si Young dahil sa brain tumor at kinailangan niyang mag-undergo ng 20 times na chemotheraphy pero parang walang nangyari sa kanya...super ganda pa rin. Nakuha ring saksakin ni Park Jin Sung si Oh Soo na matalik niyang kaibigan.

Hindi rin masyadong malinaw kung paano nabuhay si Oh Soo matapos saksakin ni Jin Sung at kung paano nakaligtas ang pamilya niya. Parang minadali na huling episode na nag-iwan sa akin at siguro sa ibang manonood ng tanong tungkol sa mga nangyari.

Gan'on pa man, magaling umarte ang mga artista at maganda ang mga lugar ng serye. Maganda rin 'yung last part na muling nagkita sila Young at Oh Soo... panahon ng cherry blossom... nakaka-inlove ang muli nilang pagkikita.

Isa pa sa nagustuhan ko sa palabas na ito, ang mga voice over ni Oh Soo tungkol sa mga realization n'ya. Ang mga dahilan niya para mabuhay at kung paano niya maililigtas si Young sa kanyang karamdaman. Nakaka-inlove ang character ni Jo In Sung.


Kakaiba rin ang story niya sa pangkaraniwang series dahil kapana-panabik ang mga susunod na mangyayari sa bawat episode...kaya siguro maganda ang dating nito sa mga manonood.


Mayroon itong 16 episode at last two weeks na lang ito sa ABS-CBN Kapamilya at matatapos na. (*^_^)



Photo credits to Dramabeans

No comments:

Post a Comment