"I went to the woods because I wanted to live deliberately, I wanted to live deep and suck out all the marrow of life, To put to rout all that was not life and not when I had come to die Discover that I had not lived."
Linya galing sa pelikulang Dead Poet Society. Isa ito sa masasabi kong inspiring film na napanood ko.
In some point in my life, this movie inspire me to inspire other people. At dahil National Teacher's Month ngayon (September 5 to October 5), gusto kong ibahagi ang pelikulang ito.
First of all, I love Professor John Keating played by Robin Williams. Umikot ang kuwento sa kanya at kung paano niya in-inspires ang kanyang mga mag-aaral sa Welton Academy. Bilang English professor, nahikayat niya ang kanyang mga tinuturuan na mahalin ang poetry at mabago ang kanilang buhay.
Maganda ang mga linyang ginamit sa pelikula na nakakapagpataas ng spirit lalo nang mga estudyante. Natutuwa ako sa paraan ng pagtuturo ni Keating...ang pagbibigay niya ng kahulugan sa nilalaman ng mga tula na kanilang pinag-aaralan.
May bahaging medyo madamdamin lalo na ng magpakamatay si Neil Perry (Robert Sean Leonard) dahil sa ang kagustuhan ng father niya ang dapat masunod at iyon ang naisip niyang paraan. Ito rin ang dahilan kung bakit napatalsik si Prof. Keating. Siya ang sinisisi sa nangyari. Sa huli, natuloy ang kanyang pag-alis sa academy, pero alam niya na may naiwan siyang aral sa kanyang mga mag-aaral. Nakaka-touch ang bahaging paalis na siya...tinawag siya ni Todd Anderson (Ethan Hawke) ng 'O Captain, My Captain!'
Maganda ang daloy ng mga pangyayari kaya nga lang may mga part na parang boring para sa iba. But if you love poetry and want to be inspire, you must see this film. (*^_^)




No comments:
Post a Comment