Monday, August 26, 2013
HKLM Ending - nakakabitin
Nabitin ako sa wakas ng Huwag Ka Lang Mawawala pero maganda naman ang kinalabasan
Umaasa ako na si Alejo (John Estrada) at Anessa (Judy Ann Santos) ang magkakatuluyan...meron namang pahiwatig na posibleng maging sila. Siguro kung itutuloy pa ang kuwento doon papunta ang kanilang love story.
Magaling naman ang pagkakaganap ni Sam Milby bilang Eros Diomedes. Epektibo ang pagiging kontrabida niya at ang pagiging psycho.
Nagustuhan ko naman ang character ni KC Concepcion bilang Alexis Ganzon, sa umpisa kasi nakakainis ang ginagawa niyang panggugulo at pagkahumaling kay Eros pero sa huli na-realize niya ang mga pagkakamali niya at ang tunay na pag-uugali ni Eros. Nakuha pa niyang barilin ito.
Sa kabuuan ng serye, mas angat ang mga karakter ng mga tauhang babae. Mula sa pagiging mahina ay natutong tumayo at ipaglaban ang kanilang karapatan bilang babae at iyon ang isa sa mga nagustuhan ko. Girl Power! (*^_^)
Labels:
ABS-CBN,
Ending,
Huwag ka lang Mawawala,
Judy Ann Santos,
KC Concepcion,
TV series
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment