"Time is
gold."
Kasabihan na madalas
isagot sa tanong na 'Anong motto mo?' Pero kung minsan hindi naman natin
pinahahalagahan ang ibig sabihin nito. Siguro mag-iiba ang pagtingin n'yo sa
kasabihang ito kung mapapanood ninyo ang pelikulang In Time.
Umikot ang pelikulang
ito sa buhay ni Will Salas (Justin Timberlake) kung saan ang mga tao ay
bumibili ng oras para mabuhay. Nasa future ang setting, year 2169. Panahon kung
saan humihinto ang pagtanda ng mga tao kapag sila ay umedad ng 25 at
nagsisimulang umandar ang kanilang oras na makikita sa kanilang braso. Kapag
umabot sa zero ang kanilang oras sila ay mamamatay.
Si Will Salas kasama ang
kanyang ina na si Rachel Salas (Olivia Wilde) ay nagtratrabaho para madagdagan
ang kanilang oras. Ito rin kasi ang pambayad sa pagsakay ng bus, pagbili ng
pagkain at marami pang iba. Sa madaling salita ang oras sa kanilang braso ang
nagsisilbi nilang pera. Sa Dayton sila nakatira kung saan ang mga tao ay
nagtratrabaho para mabuhay pa sa susunod na araw. Samantala sa New
Greenwich, lugar kung saan doon nakatira ang mga mayayaman sa oras ay nagkakaroon
ng pagkakatong mabuhay ng mas matagal.
Nagbago ang takbo ng
buhay ni Will nang makilala niya si Henry Hamilton (Matt Bomer) na mula sa New
Greenwich at nakikihalubilo sa isang bar sa Dayton. Tinulungan niya itong
makatakas sa mga nais kumuha ng kanyang oras pero sinabi nito na gusto na
niyang mamatay.
Sinagot naman ito ni
Will na kung siya lang ay may ganoon karaming oras hindi n'ya ito aaksayahin
pero wala siyang balak na nakawin ang oras ni Henry. Habang siya ay natutulog
inilipat ni Henry ang kanyang 116 years at nagtira lamang ng limang minuto para
makarating sa tulay at doon ay nagsuicide. Nag-iwan ito ng mensahe na ‘don’t
waste my time.’
Sasagipin sana ito ni
Will ngunit nahulog na ito bago pa man niya marating ang tulay.
Kinagabihan ay magkikita sila ng kanyang ina ngunit dahil sa ilang minuto na
lang ang oras nito ito ay namatay bago pa man niya mabigyan ng oras.
Nagpasya siyang pumunta
sa New Greenwich at doon ay nakilala niya si Phillipe Weis (Vincent Kartheiser)
na natalo niya sa poker. Nakilala n'ya rin ang anak nito si Sylvia (Amanda
Seyfried) at naanyayahan siya sa kasiyahang gagawin sa kanilang bahay. Ngunit
sa gitna ng kasiyahan dumating ang mga pulis o mga Timekeeper sa pangunguna ni
Timekeeper Raymond Leon (Cillian Murhpy).
Binawi nito ang oras na
inakala nilang ninakaw ni Will at binigyan lamang siya ng dalawang oras ngunit
nakatakas si Will at ginawa niyang bihag si Sylvia. Bumalik sila sa Dayton,
humingi si Will ng ramson ngunit hindi nagbayad ang mga magulang ni Sylvia
kaya’t nagdesisyon ito na pauwiin na ang babae.
Aarestuhin sana ni
Timekeeper Leon si Will ngunit nabaril ito ni Sylvia sa balikat at nagpasya
itong sumama na kay Will at tumulong sa mga mahihirap. Nagnanakaw sila ng mga
oras at binibigay nila sa mga mahihirap.
Sa kabuuan, nais nitong
bigyan diin ang kahalagahan ng oras sa buhay ng tao gayundin ang katayuan sa
buhay ng mga tao. Ipinakita dito ang nagagawa ng kayamanan kung saan binibigyan
tayo bilang mga manonood ng kaisipan na ang mga mayayaman lalong yumayaman
habang marami ang namamatay sa kahirapan.
Maganda naman ang
kabuuan ng pelikula, maayos namang nagampanan ng mga artista ang kanilang mga
role. Maganda rin naman ang pinapaksa nito ngunit hindi ko masyadong nagustuhan
ang katapusan . Parang nakakabitin pero nagbibigay ito ng realization na
kailangan nating pahalagahan ang oras na meron tayo sa ngayon.
Ito sa mula sa panulat
at direksyon ni Andrew Niccol at dinistribute ng 20th Century Fox at
ni-release noong 2011.
(*^_^)