Showing posts with label Filipino film. Show all posts
Showing posts with label Filipino film. Show all posts

Saturday, February 1, 2014

Starting Over Again - sabik na malaman ang acceptable reason



I'm so excited about this film. Una kong napanood ang trailer nito noong manood kami ng Bride for Rent at lahat kami na-excite. 


Maganda kasi ang trailer at gugustuhin mong alamin ang dahilan ng pag-alis ni Genie (Toni Gonzaga) sa kabila ng pagmamahal ni Marco (Piolo Pascual) sa kanya.


Sa muli nilang pagkikita, may bago nang pag-ibig si Marco ngunit si Genie ay may damdamin pa rin para sa lalaki.

Nakaka-intriga ang mga linyang ito:



I deserve an explaination and i deserve an acceptable reason.
Mula sa trailer may kurot na agad sa puso dahil dito:

Dear Genie
The first time I saw you
I didn't like you
But I knew there's something special in you
kaya hindi ko maintindihan kung anong nangyari
bakit mo ako iniwan?

Dear Marco
how do i unwrite the past
how do i undo the mistakes
how do i unlove you

Nakakatuwa rin na 'yung konsepto ng pagsasabi ni Toni Gonzaga ng "I LOVE YOU SIR MARCO" ay parody ng commercial nilang dalawa ng sprite noong 2001.



Isa na naman itong handog ng Star Cinema na tiyak ay aasaming panoorin ng marami. si Olivia Lamasan ang direktor at ipapalabas ngayong darating na February 12.


Saturday, January 18, 2014

Bride for Rent is surprising~

There is no perfect marriage but believe in forever.


Isa sa mga tumatak na linya sa akin ni Lala (Pilita Corales) lola ni Rocco (Xian Lim) sa pelikula. 

Umikot ang kwento kay Rocco, isang anak mayaman at naghihintay na makuha ang kanyang trust fund kapag nag-25 na siya.

Isang araw bago siya magbirthday, dala ng pagsasaya at kalasingan naipatalo niya sa casino ang 10 million pesos dahilan para apurahin niya ang pagkuha ng trust fund.



Pero nalaman niya na may kondisyon palang dinagdag ang kanyang lola bago niya makuha ang pera. Kailangan niyang magpakasal kaya naisip ni Rocco at ng kanyang mga kaibigan na maghanap ng babaeng magpre-pretend na asawa niya kung saan nag-audition si Rocky (Kim Chiu).


Hindi ko inexpect ang mga pangyayari pero ang ganda lang ng twist ng story. Sa trailer si Rocco ang naghire kay Rocky para maging bride niya pero hindi pala. Mas na-appreciate ko pa ang palabas dahil sa concept ng marriage. Tinalakay ang spices ng buhay mag-asawa. 


Nagustuhan ko ang bahagi na kailangan nilang mag-interview ng mga mag-asawa at ang isa sa mga nakaka-touch ay 'yung sa 50 years nang mag-asawa at ulyanin na yung lalaki. Pero sa tuwing tinatanong niya kung sino 'yung babae sasagutin lang niya ito ng 'I love you' ngingiti ito at hahalikan ang kamay.

Ang sweet lang. Nakaka-inspire... parang you'll look forward of seeing you and your partner grow old together just like them.

Napaka-natural din ng pag-arte nila Xian Lim at Kim Chiu. Nakakatuwa rin 'yung part na tinititigan ni Xian si Kim habang natutulog at akmang hahalikan. Nakadagdag din ng aliw si Empoy... ang kanyang mga English carabao bumenta sa akin.


Kung tutuusin wala naman mabigat na problemang lumitaw sa pelikula pero natalakay ang tungkol sa pamilya, ang kahalagahan ng commitment at paghinging sorry.


Ginamit ang Chinito, Kung Maputi na ang Buhok ko at Till I Met You bilang OST ng pelikula na nakaganda rin dito.

I think it is really surprising and amazingly good. Magandang pantanggal ng stress...hahalakhak tapos kukurutin ang puso mo...pero tatapusin nang nakangiti.

Bagay na bagay sa mga nagbabalak magpakasal, sa mga mag-asawa, at sa mga magkasintahan o karelasyon.

Pero maaari rin sa buong pamilya. (*^_^)

Sunday, January 5, 2014

ABNKKBSNPLAko - pelikula na!


Eto na talaga 'yun eh, nung nabasa ko ung news about this movie, akala ko ay gagawin palang 'yun pala ipapalabas na ngayong darating na Pebrero 19.

Ang paborito kong book ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAko ay isa nang pelikula.(huwat?!?)

Ito ay handog ng Viva Films at MVP Entertainment. Pinangungunahan ito ni Jericho Rosales bilang si Roberto 'Bob' Ong. Kasama niya si Vandolph Quizon, Meg Imperial at Andi Eigenmann.






Base sa trailer, mukha namang maganda... mukhang masaya...
sana nga lang hindi mabigo ang mga fans ni Bob Ong tulad ko.




kaya eto ang patikim nilang trailer. :)


Wednesday, July 24, 2013

Bakit hindi ka crush ng crush mo?


Hindi ko pa nababasa ang gawa ni Ramon Bautista pero sa pamagat palang naakit na ako. (Well, I have my own reason kung bakit wala pa sa mga kamay ko ang book na ito.)



Nakakatuwa dahil ginawang movie. Hindi lang mababasa, mapapanood pa.

Pero sa pelikulang ito naalala ko ang isang tv series from Taiwan ang Miss No Good. Hawig kasi ang looks ni Kim Chiu sa bidang babae na si Rainie Yang. 




Medyo hawig din ang story line about fashion... at pagiging baduy. 


Anyway, bago maikumpara ang dalawa dapat munang mapanood ang movie nito. (*^_^)


Monday, March 18, 2013

Suddenly it's magic - review


Sabi ko noon sa post ko... gusto ko itong panoorin sa big screen at ang unang dahilan ay si Mario Maurer. Pero dahil may nabasa akong review ng film na ito... medyo nadismaya ako kaya ibang film ang pinanood namin sa sinehan.

Usual, pinahiram ako ng kapatid ko ng dvd at nagkaroon ako ng chance para ito panoorin. So, ano bang masasabi ko sa pelikulang ito?

Umikot ang kuwento sa isang Thai super star na si Marcus Hanson (Mario Maurer) at sa isang tagagawa ng magagandang wedding cake na si Joey Hermosa (Erich Gonzales). Pareho lang ang kanilang pinagdaanan, nalaman ni Marcus na may iba nang mahal ang on-screen partner at real-life girlfriend niya na si Sririta Taylor (Baifern Pimchanok) habang si Joey naman ay hindi sinipot sa kanyang wedding day.



Nagkita silang dalawa nang maisipan ni Marcus na magbakasyon sa Pilipinas para matakasan ang media sa Thailand at naging destinasyon niya ang Ilocos kung saan doon niya nakilala si Joey. Sa loob ng maikling panahon ay nagkaroon sila ng feelings sa isa't isa at naging sila.

Sa pagbabalik ni Marcus sa Thailand inanyayahan niya si Joey na sumama sa kanya. Sa una nag-alangan si Joey pero sumunod din siya. Hindi matanggap ng mga fans at ng nanay ni Marcus ang kanilang relasyon hanggang sa nagpasya si Joey na bumalik na lang sa Pilipinas at hayaan si Marcus na tuparin ang kanyang mga pangarap lalo na ang makapasok sa Hollywood.



Maganda ang simula, nakaka-intriga at may halong kilig lalo na ng pumasok sa eksena si Mario Maurer at halikan si Baifern. Naging maganda rin ang mga unang eksena ni Mario at Erich ngunit naging mabilis ang mga pangyayari dahil naging sila agad sa maikling panahon. Hindi masyadong realistic at parang masyadong co-incident ang mga pangyayari.

Sa isang banda, naipakita ang kagandahan ng Hilagang bahagi ng Pilipinas gayundin ang ilang mga magandang lugar sa Thailand maging ang kultura ng dalawang bansa ay litaw din sa mga eksena.

Nakakatuwa na maraming eksena si Baifern na inakala ko sa mga unang trailer na extra lamang siya pero siya pala ang ex-gf ni Mario doon. Hindi ko naman masyadong like si Erich pero maganda naman ang pagkakaganap niya sa katauhan ni Joey.

Masasabi kong okay naman pala ang buong pelikula...masyado lang siguro akong nadala ng nabasang kong review to the point na hindi ko na binalak pang panoorin ito sa sinehan. Sa kabuuan, nagustuhan ko  ito pero medyo eksaherada ang mga kissing part nila Mario at Erich. Para kasi sa akin maganda 'yung kikiligin ang manonood kahit walang kiss pero siguro mas lamang ang may gusto ng ganoon.

http://reynthology.blogspot.com/2012/09/suddenly-its-magic-behind-scene-photos.html
Ito ay sa direksyon ni Rory Quintos at isinulat nina Enrico Santos at Vanessa Valdez. It was distributed by Star Cinema. October 31, 2012 pa ito naipalabas dito sa atin. (*^_^)

Sunday, September 30, 2012

Suddenly it's magic ... lapit na!



I'm looking forward to see this film. Maganda naman ang trailer, may kilig. 

Pero katulad ng iba, ang isang dahilan ko para panoorin ang film na ito ay dahil kay Mario Maurer. Pangalawa na lang ang paggawa ng review about it. haha. 

Suddenly It's Magic is the title of this movie, directed by Rory Quintos and produced by Star Cinema.


Iikot ang kuwento kay Marcus Hanson played by Mario Maurer at kay Joey Hermosa played by Erich Gonzales. Pareho silang heartbroken at nagmeet sa Pilipinas nang nagdecide si Marcus na pumunta sa bansa.


Sabi rin na may special participation sa movie na 'to si Pimchanok Luevisadpaibul. If that's really true, nakakalokah naman! 

Make your countdown everybody for this movie. 

Here's the trailer.

(*^_^)