Monday, March 18, 2013

Suddenly it's magic - review


Sabi ko noon sa post ko... gusto ko itong panoorin sa big screen at ang unang dahilan ay si Mario Maurer. Pero dahil may nabasa akong review ng film na ito... medyo nadismaya ako kaya ibang film ang pinanood namin sa sinehan.

Usual, pinahiram ako ng kapatid ko ng dvd at nagkaroon ako ng chance para ito panoorin. So, ano bang masasabi ko sa pelikulang ito?

Umikot ang kuwento sa isang Thai super star na si Marcus Hanson (Mario Maurer) at sa isang tagagawa ng magagandang wedding cake na si Joey Hermosa (Erich Gonzales). Pareho lang ang kanilang pinagdaanan, nalaman ni Marcus na may iba nang mahal ang on-screen partner at real-life girlfriend niya na si Sririta Taylor (Baifern Pimchanok) habang si Joey naman ay hindi sinipot sa kanyang wedding day.



Nagkita silang dalawa nang maisipan ni Marcus na magbakasyon sa Pilipinas para matakasan ang media sa Thailand at naging destinasyon niya ang Ilocos kung saan doon niya nakilala si Joey. Sa loob ng maikling panahon ay nagkaroon sila ng feelings sa isa't isa at naging sila.

Sa pagbabalik ni Marcus sa Thailand inanyayahan niya si Joey na sumama sa kanya. Sa una nag-alangan si Joey pero sumunod din siya. Hindi matanggap ng mga fans at ng nanay ni Marcus ang kanilang relasyon hanggang sa nagpasya si Joey na bumalik na lang sa Pilipinas at hayaan si Marcus na tuparin ang kanyang mga pangarap lalo na ang makapasok sa Hollywood.



Maganda ang simula, nakaka-intriga at may halong kilig lalo na ng pumasok sa eksena si Mario Maurer at halikan si Baifern. Naging maganda rin ang mga unang eksena ni Mario at Erich ngunit naging mabilis ang mga pangyayari dahil naging sila agad sa maikling panahon. Hindi masyadong realistic at parang masyadong co-incident ang mga pangyayari.

Sa isang banda, naipakita ang kagandahan ng Hilagang bahagi ng Pilipinas gayundin ang ilang mga magandang lugar sa Thailand maging ang kultura ng dalawang bansa ay litaw din sa mga eksena.

Nakakatuwa na maraming eksena si Baifern na inakala ko sa mga unang trailer na extra lamang siya pero siya pala ang ex-gf ni Mario doon. Hindi ko naman masyadong like si Erich pero maganda naman ang pagkakaganap niya sa katauhan ni Joey.

Masasabi kong okay naman pala ang buong pelikula...masyado lang siguro akong nadala ng nabasang kong review to the point na hindi ko na binalak pang panoorin ito sa sinehan. Sa kabuuan, nagustuhan ko  ito pero medyo eksaherada ang mga kissing part nila Mario at Erich. Para kasi sa akin maganda 'yung kikiligin ang manonood kahit walang kiss pero siguro mas lamang ang may gusto ng ganoon.

http://reynthology.blogspot.com/2012/09/suddenly-its-magic-behind-scene-photos.html
Ito ay sa direksyon ni Rory Quintos at isinulat nina Enrico Santos at Vanessa Valdez. It was distributed by Star Cinema. October 31, 2012 pa ito naipalabas dito sa atin. (*^_^)

No comments:

Post a Comment