Tuesday, February 12, 2013

Action film on my list

Mahilig talaga ako sa mga maaaksyong pelikula. Medyo matagal rin namang nanahimik ang mga ganitong pelikula nang magsi-edad ang mga batikang action star tulad ni Arnold Schwarzenneger, Sylvester Stallone, Jean Claude Van Damme at marami pang iba.

Pero parang medyo nagbabalik sila ngayon kaya naman super gawa ako ng list ng mga hindi dapat palampasing pelikula ng mga ito.

1. Chinese Zodiac ni Jackie Chan...well, I already watched it with my friends...my review to follow...hehe.

2. A Good Day to Die Hard ni Bruce Willis... panglima ito sa Die Hard film series... excited ako sa dalang action nito.

3. Bullet to the Head ni Sylvester Stallone... kasama niya dito si Sung Kang na isa sa paborito sa fast and furious film series.

4. Fast and furious 6 ni Vin Diesel... wala pa akong napapalagpas sa film na ito, kaya itong pang-anim hindi dapat palagpasin.

5. The Last Stand ni Arnold Schwarzenegger... ano pa bang dapat asahan sa mga film na siya ang bida... napanood ko na rin ito pero medyo may kakaibang dating na hindi ko maipaliwanag. Igagawa ko na lang ng review sa susunod na pagkakataon.

Sa ngayon ito ang mga gusto kong mapanood... dalawa na ang napanood ko dito may tatlo pa at ang paborito kong Fast and Furious eh medyo matatagalan pa para mapanood dahil sa May pa ire-release.

I'm crossing my fingers para mapanood ko lahat. haha. (*^_^) 

Photo credits: http://en.wikipedia.org

No comments:

Post a Comment