There is no perfect marriage but believe in forever.
Isa sa mga tumatak na linya sa akin ni Lala (Pilita Corales) lola ni Rocco (Xian Lim) sa pelikula.
Umikot ang kwento kay Rocco, isang anak mayaman at naghihintay na makuha ang kanyang trust fund kapag nag-25 na siya.
Isang araw bago siya magbirthday, dala ng pagsasaya at kalasingan naipatalo niya sa casino ang 10 million pesos dahilan para apurahin niya ang pagkuha ng trust fund.
Pero nalaman niya na may kondisyon palang dinagdag ang kanyang lola bago niya makuha ang pera. Kailangan niyang magpakasal kaya naisip ni Rocco at ng kanyang mga kaibigan na maghanap ng babaeng magpre-pretend na asawa niya kung saan nag-audition si Rocky (Kim Chiu).
Hindi ko inexpect ang mga pangyayari pero ang ganda lang ng twist ng story. Sa trailer si Rocco ang naghire kay Rocky para maging bride niya pero hindi pala. Mas na-appreciate ko pa ang palabas dahil sa concept ng marriage. Tinalakay ang spices ng buhay mag-asawa.
Nagustuhan ko ang bahagi na kailangan nilang mag-interview ng mga mag-asawa at ang isa sa mga nakaka-touch ay 'yung sa 50 years nang mag-asawa at ulyanin na yung lalaki. Pero sa tuwing tinatanong niya kung sino 'yung babae sasagutin lang niya ito ng 'I love you' ngingiti ito at hahalikan ang kamay.
Ang sweet lang. Nakaka-inspire... parang you'll look forward of seeing you and your partner grow old together just like them.
Napaka-natural din ng pag-arte nila Xian Lim at Kim Chiu. Nakakatuwa rin 'yung part na tinititigan ni Xian si Kim habang natutulog at akmang hahalikan. Nakadagdag din ng aliw si Empoy... ang kanyang mga English carabao bumenta sa akin.
Kung tutuusin wala naman mabigat na problemang lumitaw sa pelikula pero natalakay ang tungkol sa pamilya, ang kahalagahan ng commitment at paghinging sorry.
Ginamit ang Chinito, Kung Maputi na ang Buhok ko at Till I Met You bilang OST ng pelikula na nakaganda rin dito.
I think it is really surprising and amazingly good. Magandang pantanggal ng stress...hahalakhak tapos kukurutin ang puso mo...pero tatapusin nang nakangiti.
I think it is really surprising and amazingly good. Magandang pantanggal ng stress...hahalakhak tapos kukurutin ang puso mo...pero tatapusin nang nakangiti.
Bagay na bagay sa mga nagbabalak magpakasal, sa mga mag-asawa, at sa mga magkasintahan o karelasyon.
Pero maaari rin sa buong pamilya. (*^_^)







No comments:
Post a Comment