When I first saw the photos of this series, I was like... is it the Korean version of Hana Kimi?
Well, it is. So just like Meteor Garden... Hana Kimi has three version now.
Katulad ng Meteor Garden hango din sa isang Japanese Shojo Manga ang palabas na ito na isinulat ni Hisaya Nakajo na Hana-Kimi (Hanazakari no Kimitachi e o For you in Full Blossom).
Unang version ay gawa ng Taiwan kung saan ang mga gumanap ay sila Ella Chen, Wu Chun at Jiro Wang. It was year 2006. Hanazakarino Kimitachihe o The tricks of boy and Girl.
Sumunod na taon 2007, gumawa naman ang Japan ng sarili nilang version. Hanazakari no Kimitachi e:Ikemen Paradise. Sila Maki Horikita, Shun Ogori at Toma Ikuta ang mga gunanap dito.
Ngayong taon na ito naman nagkaroon ng Korean Version. To the Beautiful You ang title at sila Sulli Choi of F(x), Choi Min-ho of SHINee at Lee Hyun Wo naman ang mga bida dito.
Hindi ko napanood ng buo 'yung unang dalawang version but I know the story. It's all about the girl who pretend to be a boy para makapasok sa all male school dahil gusto n'yang mapalapit sa ultimate crush n'ya. Nakakatuwa ang mga naging pakikipagsapalaran niya at 'yon ang isa sa mga exciting part ng series.
Sa tingin ko naman, maraming nakakaalam ng kuwento ng seryeng ito. For now, I am enjoying watching every episode of Korean version of this series. (*^_^)
credits to: dramabeans, google images








No comments:
Post a Comment