Matagal ko nang
napanood ang Mary Stayed Out All Night o Marry Me, Mary pero ngayon ko lang
natapos itong rebyu. Kung tutuusin nauna pa ang lyrics ng kanta nito
dito sa blog ko kaysa sa kuwento at opinion ko about it.
Well, it was aired
last November 8 to December 28, 2010 on KBS. Di masyadong naging maganda ang
rating nito sa Korea but I think it’s really a good series with cute cast. Pinalabas ito dito sa Pilipinas mula June 20 to August 5, 2011...sad to say may mga nawalang eksena. :(
It has 16
episodes...with lead star Moon Geun–young, Jang Geun-suk, Kim Jae-wook and Kim
Hyo-jin. It’s about Wi Mae Ri (Moon Geun-young) and her fake marriage dahil sa
kanyang ama Park Sang-Myeon na di nagtagumpay sa business at ang ending ay nagtatago
sa mga loan shark company.
Na-meet ng
kanyang ama ang dating matalik na kaibigan at napagkasunduan nilang ipakasal
ang kanilang mga anak…si Mae Ri at si Byun Jung-in (Kim Jae-wook). Hindi ito
nagustuhan ni Mae Ri kaya pinilit niya si Kang Mu-gyul(Jang Geun-suk) isang
musikero na magpretend na husband for 100 days. Pero mas matalino ang tatay
niya dahil ipina-register nito ang papel ni Mae Ri at Jung-in.
I love the
cuteness of the two bida…Moon at Jang. They are adorable together. I also love
to see Kim Jae-wook play a different role after Coffee Prince and he really
played it well here.
Maraming
nakakakilig na part sa buong series…mula sa unang episode hanggang huli. May
nakakatuwa rin at medyo nakakaiyak na eksena.
Maganda ang mga songs na tinugtog ni Jang Geun-suk as Kang Mu-gyul sa
series at umpisa palang lakas ng dating ng una niyang kinanta sa series ang
‘Buttakhae, My Bus.’ Ilan pa sa mga kinanta niya ang ‘My Precious’ at
‘Hello,hello’.
I like their pet
names for each other in the series…its mung mung(aww-aww) at yow-eng-ie(meow)...sinabihan kasi ni
Mu-gyul si Mae Ri na parang pusang magmakaawa dahil gusto nito na gumawa siya
ng kasulatan na hindi siya maghahabol sa pagkakabangga nito sa kanya.
Isa sa mga
nakakakilig sa seryeng ito ay nang tutugtog ang banda ni Mu-gyul at isinigaw
niya ang 'Mary Christmas, I love you!' sa buong madlang people. (kakakilig, as in!) Super cute si Jang Geun Seuk with his long
hair at rocker talaga ang dating.
Nagustuhan ko
naman ang pagka-positive ni Mae Ri kahit na may mga problema tulad sa eksena
kung saan kinuha lahat ng gamit sa bahay nila. Bumilang siya ng 1-10 at inisip
niya ang kagandahan ng nangyari… at nasabi niya sa sarili na at least mas
malawak na ang mgagalawan niya dahil wala nang mga gamit.
Sa buong series,
wala akong ginawa kundi abangan ang super gwapong mukha ni JGS… LOL but I’m not
saying na hindi ko like si MGY… Love them both. I enjoyed watching this series dahil na rin sa kabuuang kuwento nito. (*^_^)
photo credits to dramabeans
photo credits to dramabeans











No comments:
Post a Comment