Sunday, December 18, 2011

Bago matapos ang taong 2011

     Nalalapit na pagtatapos ng taong 2011...at I feel sad for my blog. Simula April, hindi na ulet ako nakapag-post ng bagong reviews tungkol sa napakarami kong napanood this year.

     Well, naging super busy talaga ako...parang nawalan talaga ng time para magsulat...pati magfacebook di ko na rin magawa ng madalas. Kung minsan naiisip ko nga bakit pa ako gumawa ng blog kung di ko rin na man mabibigyan ng panahon pero syempre lahat naman nagagawan ng oras and I'm hoping this coming year...magagawa ko nang makapag-share ulet ng mga napanood kong movies at series...

     Plano ko ring magshare ng mga nagustuhan kong mga books... tulad ng mga sumusunod...




     ...marami pang iba... I just wish na magawa kong makapagpost at mag-update ng (mga) blog na superduper kong pinangarap magkaroon noon.

     About series and movies, I want to share good series of 2011...of course base ito sa taste ko... 


49 days ang title nito sa Korea but when it was viewed here in our country...Pure Love na ang pamagat. Nagustuhan ko ang story nito...and infairness maganda ang ginamit na song ng Kapamilya para dito patok sa masa ang Gisingin ang Puso ni Liezel Garcia... meron itong 20 episodes.




Pumatok rin ang My Girlfriend is a Gumiho at talaga namang nakakatuwa ang story bukod sa maganda si Shin Min-ah nakakatuwa rin si Lee Seung-gi...


...sa Kapamilya din ito pinalabas at maganda rin ang ginamit na OST dito... Baliw by Kiss Jane...16 episodes ito.




Isa pa ang Secret Garden na ipinalabas naman sa Kapuso... galing ni Hyun Bin at ni Ha Ji Won sa tuwing sila ay napapalit ng soul...fantasy drama ito...


ginamit naman ng Kapuso ang song na Bastat kasama kita ni Jhake Vargas... para sa akin sana bagong song.... pero bagay din naman 'yung song sa story...:)




20 episode din ang Secret Garden... tulad ng City Hunter kung saan si Lee Min Ho at si Park Min-Young ang mga bida....(at dahil dun naging sila)... bagay naman sila...


Sa ngayon, ipapalabas pa lang ito sa Kapamilya kaya di ko pa sure kung anong theme song na gagamitin... galing ng story... hindi nakakabored panoorin...action pack with love story...may mga makapigil hiningang scene. I really love this series..




This song is so touching...saying goodbye to the one you love...aaahhh...

Pero naaadik ako sa 100 days to Heaven... napakaraming values ang ibinigay nito sa madlang people..


At ang galing ni Xyriel Manabat...dapat lang na tawaging child superstar...:))

Maganda rin ang My Binondo Girl kung saan patok ang love team ni Kim Chui at Xian Lim.


Marami pang magagandang series this year tulad ng Heartstring, Flower Boy Rumyun Shop, Dream High kung saan magkakaroon ng part 2, Playful Kiss (Korean version of It started with a kiss), My Princess at marami pang iba... 

Sana, sa mga follwers ng blog na ito, patuloy pa rin ninyong mapasyalan at ma-enjoy ang mga ilalagay ko pa. Thank you! (*^_^)





No comments:

Post a Comment