Anyway, this series is the reason why I love Park Min-young. :)
2010 nang maipalabas ito sa South Korea. Meron itong 20 episodes katulad ng City Hunter. Sina Kim Won Suk at Hwang In Hyuk ang naging direktor nitong historical fiction drama na ito...may comedy rin. Si Jung Eun Gwol naman ang writer nito.
Umikot ang kuwento sa panahon kung saan ang mga kababaihan ay walang karapatang mag-aral o kaya ay maghanapbuhay ngunit dahil sa hirap ng buhay... napilitan si Kim Yoon Hee (Park Min Young) na magtrabaho gamit ang pangalan at magpanggap na Kim Yoon Shik... ang pangalan ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki na may sakit.
Nagtrabaho siya sa isang bookstore kung saan taga-gawa siya ng mga aklat o kaya mga reviewer ng mga estudyante. Pero dahil may utang silang kailangan bayaran, napilitan siyang patulan ang pagkuha ng exam para sa ibang tao sa isang sikat na paaralan ang Sungkyunkwan...kaya lang siya ang nahuli nang isang kumukuha rin ng exam na si Lee Sun Joon (Park Yoo Chun of JYJ). Pero hindi siya naisumbong sapagkat tinaksan niya ito matapos sulatan ang likod ng damit nito. Sa huli ay hinikayat si Yoon Hee ni Sun Joon na kumuha ng exam para makapasok at mapag-aral sa Sungkyunkwan.
Nakapasa si Yoon Hee at doon nakilala pa niya si Gu Yong Ha (Soo Joong Ki), na unang naghinala na hindi siya tunay na lalaki at Moon Jae Shin (Yoo Ah In) na isang pasaway na estudyante. Dahil sa determinasyon at pagtitiyaga nagawa ni Yoon Hee na magawa ang mga bagay na ginagawa ng mga lalaki at natuwa siya sa mga bagay na natutunan niya na naging dahilan para maasar sa kanya ang president ng Student Body (Seo Hyo Rim).
Nakakatuwa ang pakikipagsapalaran ni Yoon Hee bilang si Yoon Shik. Isa na rito nang sila ang binigyan ng mga task bilang initiation sa pagiging freshman nila. Kinailangan niyang hanapin si Cho Sun (Kim Min Seo) na kilala sa kanyang kagandahan... at dahil inakala ng lahat na may nangyari sa kanilang dalawa binigyan siya ng nickname na Dae-mul si Yoon Hee... ibig sabihin the big thing..hehehe
Bukod sa nakakatuwang hardship ni Yoon Hee... pumasok din ang mga love interest sa pagitan ng tatlong lalaki na nakasama niya ... tuwing magkasama silang apat tinatawag silang Jalgeum Quartet o Joseon F4.
I was hoping na si Geol-oh ang makatuluyan niya... ito ang nickname ni Moon Jae Shin... dahil moody...mahirap magalit. Siya ang unang nakaalam sa tatlong lalaki na girlaloo si Yoon Hee dahil kay Yeo-rim nickname naman ito ni Gu Yong Ha.

Matagal na kasing naghihinala si Yeo-rim sa pagkatao ni Yoon Hee kaya naglagay siya ng isang trap na pwede niyang mapatunayan ang kanyang hinala pero naunang dumating sa Geol-oh at pinigilan siya nitong makita ang bagay na siya ang nagbalak. Nakaka-excite ang part na ito... sapagkat tatlo silang nagpunta sa lugar kung saan naliligo si Yoon Hee.
Habang itong si Ga-rang tawag kay Lee Sun Joon...(dahil siya daw ay husband material) ay unti-unting nagkakaroon ng feelings kay Yoon Hee at iniisip niya na baka gay siya dahil nagkakagusto siya sa isang lalaki...si Yoon Shik na ang totoo ay si Yoon Hee.
Mala-Robin Hood ang dating ni Geol-oh dahil sa gabi ay nagsusuot siya ng pang ninja para mapahatid ng mensahe na nakasulat sa pulang papel kaya siya ay tinawag na Red Messenger. Alam ito ni Yeo-rim at nalaman din ito ni Yoon Hee kung saan tinulungan niya itong itago nang ito ay tamaan ng pana habang hinahabol ng mga kawal.
Maganda ang setting ng palabas at 'yung panahon...pero pumasok ang pagka-moderno sa love story. Parang mala-MULAN kasi ang dating. Punung-puno ng girl power... dahil hindi lang si Yoon Hee ang may kakayanan dito kundi si Cho Sun din... siya ang gumaya kay Geol-oh bilang Red Mesenger.
Magaganda rin ang mga OST... maganda ang melody at ang meaning ng song...lalo na 'yung Found You ng JYJ grupo ni Yoo Chun. Kakakilig tuwing ginagamit sa eksena nila ni Park Min Young. Maganda rin ang Too Love... bagay naman sa mga eksena nila Yoon-Hee at Geol-oh.
Isa sa pinakamagandang bahagi nito, ang Dae Sa Rae (Archery Contest)... hindi nawalan ng lakas ng loob si Yoon Hee upang patunayan na kaya n'ya ring tapatan ang galing ng mga kalalakihan. Tinulungan siya ni Geol-oh at Ga-rang... at dito nagsimula ang love triangle.
Isa rin na magandang episode ay nang malaman ni Ga-rang na babae si Yoon-Hee. Parang Coffee Prince lang... lumayo si boy dahil akala niya bakla siya pero dahil nalaman na niya na tunay na babae si Yoon Hee...para siyang nakahinga nang bongga!
Isa lang ang medyo parang di gaanong klaro sa seryeng ito... hindi consistent kung araw na ba o gabi... may isang eksena kasi na maliwanag pa pero pagliko sa isang eskinita... gabi na agad. Pero kung ganda ng story ang pag-uusapan... hindi na masyadong pansin ang araw o gabi!
Ipapalabas ito sa abs-cbn hindi pa nga lang alam kung kelan... tapos na today ang City Hunter at ang kasunod ay Dream High... sana after DH ... eto naman!
Hindi nakakasawang panoorin... kahit ulit-ulitin!

Ep 07 is the best for me! Brought me to tears! XD
ReplyDelete