Monday, January 23, 2012

Heartstrings

          Matatapos na ang Heartstrings sa Friday, parang kasisimula lang nito noong January 2.Hindi ko ito napapanood dahil maaga ang oras nito sa hapon, gusto ko sana na mapanood ang Filipino version na hindi na kailangang magbasa ng subtitle... kaya lang, di rin naman pala ako masisiyahan dahil sa ang daming cut na eksena.

          Nakakatuwa na ipinalabas ito dito sa atin at sa ABS-CBN pa. Maganda ang kuwento at cute ng mga bida na sina Park Shin Hye at Jung Yong Hwa. Silang dalawa ay member ng A.N. JELL sa He's Beautiful pero si Jang Geun suk ang ka-love team ni Shin-hye sa series na ipinalabas din sa Kapamilya.

          Mayroon itong 15 episodes. Tungkol ito kay Lee Shin (Kevin) at Lee Gyu won (Nicole). Pareho silang college student of music. Ang kaibahan lang si Lee Shin Western Music ang mini-major habang si Lee Gyu Won ay Traditional Korean Music, gayageum ang tawag sa instrument na tinutugtog niya. May band group si Lee Shin na tinatawag na The Stupid habang sila Lee Gyu won naman ay Wind Flower.



          Medyo may pagka-presko ang dating ni Lee Shin kaya sa umpisa asar si Lee Gyu Won sa kanya but later on eh, unti-unti siyang nagkagusto dito. Kaya nga lang ang gusto naman nito ay si Jung Yoon-su na isang dance teacher sa kanilang univesity na ex-gf naman ni Director Kim Seok-hyun. 



          Halos sa kanilang apat umikot ang kuwento... sinamahan ng side story ng drummer sa band ni  Lee Shin na si Jun-hee na parang na-love-at-first-sight kay Hee-joo...not really trying hard na maging magaling pero sa laki ng expectation ng mother niya, ginagawa niya ang lahat para mapili siya na maging lead sa isang bonggang production.


          Ang kuwento ng serye na ito ay pang- teens...may sweetness at bitterness sa pag-abot sa pagkuha ng pangarap na sinamahan ng cute love story.

           Over-all, I liked it! Lalo na ang mga sound track nito tulad ng Because I miss You ni Jung Yong Hwa...

at You're my Star n Kang Min-hyuk.


          Pahabol lang...
          
          Natuwa ako nang malaman ko na ipapalabas ito dito sa atin... kaya nga lang tulad ng He's Beautiful, ang dami ring in-edit na part kung saan masyadong namadali ang ending. Maganda nga sana na naka-dubbed sa Filipino kaya nga lang... kung maraming natanggal na part parang mas maganda na magbasa na lang ng subtitle.
          Sa ngayon, magaganda ang naka-line-up na series sa ABS-CBN at GMA 7... pero sana maganda ang pagkakadubbed  at hindi masyadong katayin ang mga eksena. :))


1 comment: