Saturday, January 18, 2014

Bride for Rent is surprising~

There is no perfect marriage but believe in forever.


Isa sa mga tumatak na linya sa akin ni Lala (Pilita Corales) lola ni Rocco (Xian Lim) sa pelikula. 

Umikot ang kwento kay Rocco, isang anak mayaman at naghihintay na makuha ang kanyang trust fund kapag nag-25 na siya.

Isang araw bago siya magbirthday, dala ng pagsasaya at kalasingan naipatalo niya sa casino ang 10 million pesos dahilan para apurahin niya ang pagkuha ng trust fund.



Pero nalaman niya na may kondisyon palang dinagdag ang kanyang lola bago niya makuha ang pera. Kailangan niyang magpakasal kaya naisip ni Rocco at ng kanyang mga kaibigan na maghanap ng babaeng magpre-pretend na asawa niya kung saan nag-audition si Rocky (Kim Chiu).


Hindi ko inexpect ang mga pangyayari pero ang ganda lang ng twist ng story. Sa trailer si Rocco ang naghire kay Rocky para maging bride niya pero hindi pala. Mas na-appreciate ko pa ang palabas dahil sa concept ng marriage. Tinalakay ang spices ng buhay mag-asawa. 


Nagustuhan ko ang bahagi na kailangan nilang mag-interview ng mga mag-asawa at ang isa sa mga nakaka-touch ay 'yung sa 50 years nang mag-asawa at ulyanin na yung lalaki. Pero sa tuwing tinatanong niya kung sino 'yung babae sasagutin lang niya ito ng 'I love you' ngingiti ito at hahalikan ang kamay.

Ang sweet lang. Nakaka-inspire... parang you'll look forward of seeing you and your partner grow old together just like them.

Napaka-natural din ng pag-arte nila Xian Lim at Kim Chiu. Nakakatuwa rin 'yung part na tinititigan ni Xian si Kim habang natutulog at akmang hahalikan. Nakadagdag din ng aliw si Empoy... ang kanyang mga English carabao bumenta sa akin.


Kung tutuusin wala naman mabigat na problemang lumitaw sa pelikula pero natalakay ang tungkol sa pamilya, ang kahalagahan ng commitment at paghinging sorry.


Ginamit ang Chinito, Kung Maputi na ang Buhok ko at Till I Met You bilang OST ng pelikula na nakaganda rin dito.

I think it is really surprising and amazingly good. Magandang pantanggal ng stress...hahalakhak tapos kukurutin ang puso mo...pero tatapusin nang nakangiti.

Bagay na bagay sa mga nagbabalak magpakasal, sa mga mag-asawa, at sa mga magkasintahan o karelasyon.

Pero maaari rin sa buong pamilya. (*^_^)

Sunday, January 5, 2014

ABNKKBSNPLAko - pelikula na!


Eto na talaga 'yun eh, nung nabasa ko ung news about this movie, akala ko ay gagawin palang 'yun pala ipapalabas na ngayong darating na Pebrero 19.

Ang paborito kong book ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAko ay isa nang pelikula.(huwat?!?)

Ito ay handog ng Viva Films at MVP Entertainment. Pinangungunahan ito ni Jericho Rosales bilang si Roberto 'Bob' Ong. Kasama niya si Vandolph Quizon, Meg Imperial at Andi Eigenmann.






Base sa trailer, mukha namang maganda... mukhang masaya...
sana nga lang hindi mabigo ang mga fans ni Bob Ong tulad ko.




kaya eto ang patikim nilang trailer. :)


Monday, December 30, 2013

Friday, December 27, 2013

YFAS: stay right by my side

I love this scene from episode 3.  
At first, gusto ko itong panoorin dahil kay Jeon Ji-hyun pero habang tumatagal nagugustuhan ko na rin si Kim Soo-hyun... baka dahil sa role niya bilag alien. haha!









Source: Paper-box from tumblr

Thursday, December 19, 2013

Evolution of Kim Soo-hyun in YFAS

I got this gif from tumblr. 
It showed the evolution of Do Min-joon 
the character Kim Soo Hyun portrays in 

I'm loving this series. :)

















Scenes from Episode 1.
Source: joowons

You From Another Star - premiere last night


Finally, the waiting is over. You From Another Star premiere last night sa SBS. Eto ang pumalit sa time slot ng The Heirs.

I'm excited about this series because of Jeon Ji-hyun. Gusto ko siyang makita ulit sa TV series at mabuti naman at natuloy na.

Kasama niya dito si Kim Soo-Hyun na kasama rin niya sa pelikulang The Thieves kung saan love interest niya si Ji-hyun.



Isang alien si Kim Soo-hyun sa seryeng ito mula pa 1609 at hindi tumatanda. Nag-crashed ang spacecraft niya at simula noon ay nanirahan na siya sa Joseon. Isa siyang professor sa isang university sa kasalukuyan kung saan niya makikilala si Jeon Ji-hyun na isa namang Hallyu goddess na bumalik sa pag-aaral para kumuha ng college degree.


Interesting ang episode 1 at sa palagay ko ay aabangan ko ang mga susunod pang mga episode nito.

source: dramabeans

Saturday, December 7, 2013

Heirs: nonstop kilig

What I love about this series, is the tandem of Lee Min-ho and Park Shin Hye. 





Love is the moment. ~
Love is my pain. ~

source from tumblr: koreanactorleeminho via majesticunts