Malapit na magsimula ang bagong series ni Jeon Ji Hyun kasama si Kim Soo Hyun na You From Another Star. Super excited ako dito dahil madalas movie lang ang ginagawa ni Ji-hyun. Ito pa lang yata ang pangalawa niyang series....una 'yung Happy Together (1999) 14 years na pala ang nakalipas.
Gusto ko ang concept ng bagong series na ito... galing sa ibang planeta si Kim Soo Hyun at matagal na siyang nasa earth. Si Jeon Ji Hyun naman ay isang sikat na artista sa kasalukuyang panahon at doon iikot ang story.
Silang dalawa ay magkasama rin sa The Thieves at parang doon nagsimula ang konsepto ng pagsasama nila sa serye. Nakakatuwa lang.
Para sa ikatutuwa ng mga nag-aabang na tulad ko pagpyestahan natin ang mga larawang ito. (*^_^)
Eto naman ang teaser... egg-zoi-ting!
Photo credits to dramabeans
No comments:
Post a Comment