Sunday, December 9, 2012

Rurouni Kenshin



Hindi ako masyadong fan ng Samurai X noong 90's. Mas paborito ko kasi ang Ghostfighter. Hindi ko rin masyadong alam ang takbo ng story nito pero alam kong si Kenshin 'yung pangunahing tauhan. Ganun pa man, hinintay kong maipalabas dito sa Pilipinas ang live action movie. Na-excite ako dahil na rin sa impluwensya ng kapatid ko.


Matagal din ang pinaghintay ng mga tulad namin dahil sa ilang beses itong na-postponed at hindi naman kami bigo sa paghihintay. 

Hango ito sa Japanese Manga at anime. Mas kilala kasi ito noon sa pamagat na Samurai X pero sa movie Rurouni Kenshin ang pamagat at masasabi kong mag-eenjoy ang mga fan ng palabas na ito.


Maganda ang takbo ng story pero mas nabigyan ko ng pokus ang mga karakter. Nababagay nga kay Takeru Satoh ang main character na si Kenshin Himura. Kuhang-kuha niya ang mga kilos at galaw nito. 


Kung tutuusin si Samurai X lang talaga ang kilala kong karakter sa palabas na ito kaya medyo clueless ako sa iba pang tauhan... pero dahil masyadong na-enjoy ng kapatid ko ang palabas sa tingin ko mahusay at magaling ang pagganap ng lahat ng artista.





Maganda rin ang cinematography... naipakita ang sinaunang scenario  sa Japan gayundin ang kanilang mga kasuotan, kagamitan at mga gawi ng mga tao noon.


Makapigil hininga rin ang mga labanan ng mga karakter kaya nga lang medyo brutal ang ilang mga eksena na hindi nababagay panoorin ng mga bata lalo na kung walang guidance ng magulang.

Masasabi kong maganda ang kabuuan ng pelikula. (*^_^)

No comments:

Post a Comment