Pinalabas ito sa Korea last year from March 31 to June 3 2010 and now I'm so thankful na ipapalabas na ito dito sa Philippines...masarap kasi manood ng nakikinig lang kaysa magbasa pa ng subtitle. Mayroon itong 20 episodes at halos lahat ng episode puno ng emotions.
I cried a lot watching this series. I felt what Eun-jo felt...ang galing ng pag-arte ni Moon Geun Young ibang-iba sa mga nagawa na niyang movie at series. Palaban siya dito dahil sa nawalan na siya ng tiwala sa mga taong nakakasalamuha nila ng nanay niya. Nagpaiba-iba kasi ng kinakasama ang nanay niya at ng makilala nito ang ama ni Hyo Sun na balo na ay nagdesisyon itong magpakasal at doon sila tumira sa bahay nila.
Natuwa naman si Hyo Sun dahil magkakaroon na siya ng nanay at kapatid pero iba sa inaasahan niya ang naging pakikitungo sa kanya ni Eun-Jo. Maganda ang pagganap ni Seo Woo bilang Hyun So...napa-sweet and lovable ng character niya kaya nga lang dahil sa hindi niya maintindihan ang ikinikilos ni Eun-jo at nagselos siya sa atensyong nakukuha nito sa crush niyang si Hong Ki Hoon (Chun Jung Myung) kaya hindi naging maganda ang samahan nila.
Naka-focus ang story sa loob ng pamilya. Tungkol sa pagmamahal, pagtanggap at pagpapatawad. Siguradong maraming makaka-relate sa maraming part ng story. Maganda ang story ng series na ito. I just hope na hindi pa ako tulog pag palabas na ito. Masyado na rin kasing late ang schedule sa Kapamilya katulad ng Personal Taste. :)))


wala po bang 'Love it' sa Reactions?? :DD
ReplyDelete@Joen, sorry pero tatlo lang kasi ung choices at kapag binago ko yan, mawawala ung mga score. so better choose like it...it will serve as love it! thank you for reading my post! :))
ReplyDelete