Friday, June 22, 2012

Big is in!


I've been waiting for this series because of Lee Min Jung and come back of Gong Yoo.

Nagsimula na ito noon June 4 sa South Korea at maganda naman ang naging pagtingin ng mga viewers sa takbo ng story. May switching na nangyari sa pagitan ng isang teenager at isang doctor at doon iikot ang story... as of now medyo nangangalahati na ng episode dahil nitong nakaraang martes episode 6 na. 16 episode lang kasi ito pero malay natin kung magkaroon ng extension. Kasama rin dito si Suzy.

Here's some photos...


Ang kulet lang.



Spolier... ang cute kasi nila dito.

Friday, May 11, 2012

Photo posting!

Panay ang post ko ng mga pictures sa fb... palagi kong kinakalimutan mag-post dito!

Pakiramdam ko kasi parang wala akong maisulat, why not try photo posting here!

Bilang simula, eto ang ilan sa mga napanood ko na:

200 Pounds beauty

Si Hanna Kang... really love the story of this movie.

Dream High


I love the twist of this series in the end...

Playful kiss


I really like Oh Ha-ni... kahit sabi ng iba di siya maganda... 

Smile Honey


Gustung-gusto ko ang story nila Arnold Kang at Jasmine Seo... super babaw lang ang story pero ang ganda ng dating. (Di ko lang maisakaso ang paggawa ng rebyu nito)

Ang ganda ng chemistry ng mga gumanap at...basta ang ganda!

Lie To Me


Halos lahat yata ng ginawa ni Yoon Eun Hye na tv series napanood ko na. Pero sa series na ito medyo pinilit ko lang tapusin dahil sa kanya hindi dahil sa story.

(*^_^)

Monday, April 23, 2012

Princess and I: first week





Umarangkada na ang Princess and I ng abs-cbn. Sinasabing isa daw ito sa pinakabonggang teleserye na nagawa ng kapamilya. 




Sinimulan ito sa panahon na si Haring Anand (Albert Martinez) ay umibig sa isang Pilipina na nagtra-trabaho sa Yangdon si Isabel (Precious Lara Quigaman) at sila'y nagpakasal. Hindi naman ito nagustuhan ni Ashi Behati (Gretchen Barreto) lalo na ng magkaanak ang hari at reyna. Gumawa ng paraan si Ashi Behati upang mawala sa landas n'ya ang reyna at anak nito sapagkat gusto niya na ang anak niyang si Jao (Enrique Gil) ang maging hari sa darating na panahon. Babae ang anak ng hari at reyna na si Princess Ariya (Kathryn Bernardo) na pinadala sa Pilipinas.




Isa sa kapansin-pansin ang ganda ng ma tanawin na kinuha sa Bhutan. 
Kung husay ng pag-arte...tama lang... para sa akin hindi pa naman gaanong mabibigyan ng super perfect na score ang galing ng mga artista. Una dahil kasisimula pa lamang nito. Wala pang gaanong nangyayari at hindi pa naman lahat visible sa unang week.


But I like the character of Dominic Ochoa as Dinoy Maghirang. Siya ang nakapulot kay Mikay nung bata pa ito. Nahiwalay si Mikay kay Esmeralda (Sharmaine Suarez) ang utusan na nagdala sa bansa sa anak ng hari dahil nagkaroon ng pagsabog habang sila ay nasa palengke.




Effective naman ang pag-arte ni Gretchen Barreto bilang kontrabida... dahil nakakaasar ang kanyang mga ginagawa at umpisa palang ay alam mo na, na masama talaga ang katauhan ni Ashi Behati na maging ang kanyang asawa ay nagawa niyang patayin na ginampanan naman ni Christian Vasquez (Dasho Kenchu). 


For sure, marami pang mangyayari at pakikipagsapalaran sa buhay ni Mikay. I just felt na sana hindi masyadong basa ng mga televiewers ang mga susunod na mga pangyayari. Siguro nga mas maganda kung sinimulan na lang ito sa Pilipinas at magkakaroon na lang pagbabalik tanaw sa mga dahilan ng pagkakapunta niya sa bansa...but hey, hindi ako ang writer at opinyon ko lang naman.


Sina Andre Philip Loleng at Ceres Helga Barrios ang writer nito at ang mga direktor ay si Dado C. Lumibao at Francis Xavier Pasion. Looking forward sa mga twist and turn ng palabas.


Pahabol:


Well, I just wish na kung gagawa ng mga teleserye na may kahalong history sana history na lang ng Pilipinas ang unahin. 
(*^_^)

credits:showbiznest

Saturday, April 21, 2012

Found The Thieves

While wasting time this hot afternoon... I found this photo of a new film in Korea titled

The Thieves. 


My interest grew stronger when I found out the Jeon Ji-hyun (My Sassy Girl) was there as well Kim Soo Hyun (Dream High). It was like Ocean Eleven... I kinda like the trailer. 

I really want to watch it.



source:dramabeans

Friday, April 20, 2012

Kimi no Todoke


I bought a copy of Kimi No Todoke (anime) without knowing that it already have a live action!


Ending: mas nauna kong natapos ang live action kesa sa anime... silly me!


To my surprise... si Haruma Miura pala ang gumanap na Shota Kazehaya... I don't really like his character at Gokusen III but in this movie... like him a lot... lagi kasing naka-smile!

Si Mikako Tabe naman ang gumanap na Sawako 'Sadako' Kuronuma... tinawag siyang sadako dahil sa mahaba ang buhok niya at sa poker face niya...


Maganda ang story. Una, manga ito... tapos ginawang anime at naging live action.

Monday, April 16, 2012

The Princess and I begins...


Maganda ang promotion ng abs-cbn sa bago nilang teleserye na The Princess and I. Maganda rin naman ang dating sa mga manonood. Maganda ang trailer. Maganda ang lugar.


Siguro kaya ako nanonood ngayon ay para tingnan kung anong ikinaiba ng palabas na ito sa iba. Pakiramdam ko nga, mala-Princess Hours ang dating nito.


Para sa pilot episode nila kanina, maganda naman kaya nga lang... parang basa ng mga manonod ang mga mangyayari. But anyway, first day palang naman... baka may kakaibang twist na mangyayari.

So I'll keep watching!

Dream High begins tomorrow

Finally, it's time for us to Dream High!

When I read the title of this new series early last year (2011) I was thinking that it’s more like the Glee but when I finally finished watching the whole 16 episode mali pala ako sa iniisip ko.

Inspiring ang story…it’s about finding your dream and make it happen.

Umikot ang story sa anim na mga kabataan na may kanya-kanyang talento. Malalim ang mga pag-atake sa bawat character...at super ganda ng mga songs.



Worth watching talaga ang series na ito...so what are you waiting for... watch it now! (*^_^)