Monday, August 26, 2013

HKLM Ending - nakakabitin



Nabitin ako sa wakas ng Huwag Ka Lang Mawawala pero maganda naman ang kinalabasan


Umaasa ako na si Alejo (John Estrada) at Anessa (Judy Ann Santos) ang magkakatuluyan...meron namang pahiwatig na posibleng maging sila. Siguro kung itutuloy pa ang kuwento doon papunta ang kanilang love story.

Magaling naman ang pagkakaganap ni Sam Milby bilang Eros Diomedes. Epektibo ang pagiging kontrabida niya at ang pagiging psycho.


Nagustuhan ko naman ang character ni KC Concepcion bilang Alexis Ganzon, sa umpisa kasi nakakainis ang ginagawa niyang panggugulo at pagkahumaling kay Eros pero sa huli na-realize niya ang mga pagkakamali niya at ang tunay na pag-uugali ni Eros. Nakuha pa niyang barilin ito.

Sa kabuuan ng serye, mas angat ang mga karakter ng mga tauhang babae. Mula sa pagiging mahina ay natutong tumayo at ipaglaban ang kanilang karapatan bilang babae at iyon ang isa sa mga nagustuhan ko. Girl Power! (*^_^)


Saturday, August 17, 2013

That winter, the wind blows: happy ending




SPOILER ALERT: Masaya ang ending ng That winter, the wind blows.


Tama, spoiler ako para sa mga di pa natatapos panoorin ang seryeng ito. Kaya naman humihingi na ako ng paumahin. :)


Super like ko si Song Hye Gyo (bukod kay Jeon Ji-hyun) sa mga Korean actress, maganda kasi at magaling umarte kaya di ko pinalagpas ang seryeng ito. Maganda trin ang trailer kaya talagang nagkainteres ako na panoorin ito.



Umikot ang story kay Oh Young (Song) at Oh Soo (Jo In Sung) na parehong naging malungkot ang paglaki.


Si Oh Young, anak ng isang mayamang may-ari ng malaking korporasyon, bulag at nangungulila sa kanyang nanay at kapatid. Si Oh Soo naman ay iniwan sa ilalim ng puno habang winter noong bata pa. Big time gambler at playboy.


Nang mamatay ang tatay ni Young, hinanap ni Atty. Jang ang kapatid niya sa utos ng ama niya para makasama niya at si Oh Soo ang nahanap niya na kapangalan nito at tuluyang nagpanggap na kapatid para makakuha ng pera at makabayad siya sa utang. Pero sa huli na-inlove si Oh Soo kay Young... at hinangad niyang magbago para dito.


Nakak-inlove. Nakaka-iyak. Nakakadala ang mga eksena. Effective ang pagiging kontrabida ni Bae Jong Ok bilang si Wang Hye Ji. Nakakatuwa naman ang character ni Kim Bum bilang si Park Jin Sung at maging si Jung Eun Ji na gumanap na si Moon Hee Sun.


Pero napuna ko lang na parang may mga part na di na makatotohanan. Inoperahan si Young dahil sa brain tumor at kinailangan niyang mag-undergo ng 20 times na chemotheraphy pero parang walang nangyari sa kanya...super ganda pa rin. Nakuha ring saksakin ni Park Jin Sung si Oh Soo na matalik niyang kaibigan.

Hindi rin masyadong malinaw kung paano nabuhay si Oh Soo matapos saksakin ni Jin Sung at kung paano nakaligtas ang pamilya niya. Parang minadali na huling episode na nag-iwan sa akin at siguro sa ibang manonood ng tanong tungkol sa mga nangyari.

Gan'on pa man, magaling umarte ang mga artista at maganda ang mga lugar ng serye. Maganda rin 'yung last part na muling nagkita sila Young at Oh Soo... panahon ng cherry blossom... nakaka-inlove ang muli nilang pagkikita.

Isa pa sa nagustuhan ko sa palabas na ito, ang mga voice over ni Oh Soo tungkol sa mga realization n'ya. Ang mga dahilan niya para mabuhay at kung paano niya maililigtas si Young sa kanyang karamdaman. Nakaka-inlove ang character ni Jo In Sung.


Kakaiba rin ang story niya sa pangkaraniwang series dahil kapana-panabik ang mga susunod na mangyayari sa bawat episode...kaya siguro maganda ang dating nito sa mga manonood.


Mayroon itong 16 episode at last two weeks na lang ito sa ABS-CBN Kapamilya at matatapos na. (*^_^)



Photo credits to Dramabeans

Friday, August 2, 2013

Huwag ka lang mawawala - exciting!


Hindi ko masyadong pinag-aaksayahan ng panahon na sundan ang mga telenobela ni Judy Ann Santos. Lagi kasi siyang kawawa. Laging umiiyak at inaapi. Napakatagal pa ng mga susunod na pangyayari... kumbaga nakaka-umay kaya karaniwan... sinisimulan ko lang ito at hihintayin ang nalalapit na pagtatapos.

Pero sa bago niyang teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala...hindi ko magawang basta na lang isnabin ang mga eksena at mga araw. Mabilis kasi ang mga pangyayari hindi nakakainip at higit sa lahat hindi na basta api-apihan ang karakter ni Juday.

Nagustuhan ko pagbabago ni Anessa Panaligan (Judy Ann Santos). Naapi at pinagkaitan ng karapatan sa kanyang anak pero bumangon, nag-aral at mas naging matapang para bawiin ang nawala sa kanya.

Epektibo rin si KC Concepcion (Alexis) bilang kontrabida... sa sobrang kabaliwan sa pag-ibig kay Eros (Sam Milby), okay lang na maging kabit...pero sabi nga n'ya sa episode kagabi... hindi siya kabit! haha!

Exciting ang mga eksena at bawat araw may mga bagong pangyayari. Tumatagos din ang mga bitaw ng salita ni Juday... I super love it!

Sana lang hindi ganoon kagabi kung minsan inaabot na ako ng antok mahintay lang ang palabas!

Eto ang pumalit sa Ina, Kapatid, Anak. Nagsimula nung June 17, 2013 at patuloy pa ring umiere  tuwing gabi sa ABS-CBN, Lunes hanggang Biyernes  pagkatapos ng Muling Buksan ang Puso.
(*^_^)

Wednesday, July 24, 2013

Bakit hindi ka crush ng crush mo?


Hindi ko pa nababasa ang gawa ni Ramon Bautista pero sa pamagat palang naakit na ako. (Well, I have my own reason kung bakit wala pa sa mga kamay ko ang book na ito.)



Nakakatuwa dahil ginawang movie. Hindi lang mababasa, mapapanood pa.

Pero sa pelikulang ito naalala ko ang isang tv series from Taiwan ang Miss No Good. Hawig kasi ang looks ni Kim Chiu sa bidang babae na si Rainie Yang. 




Medyo hawig din ang story line about fashion... at pagiging baduy. 


Anyway, bago maikumpara ang dalawa dapat munang mapanood ang movie nito. (*^_^)


Tuesday, June 18, 2013

To the Beautiful You OST - Siguro by Yeng Constantino

Last week na ng To The Beautiful You sa Kapamilya kaya bago matapos eto ang isang OST ng series na ito na bagay na bagay sa story.


 gusto ko, gusto ko
gusto ko sanang sabihin sayo



pero paano, paano
pag lumalapit kay nauutal ako
nahihiya, tumitiklop
nawawala bigla
ang sasabihin ko


ang nakikita ko lang
ay ang mukha mo
lahat sa paligid ko ay
naglalaho...


chorus :
siguro'y umiibig
kahit di mo pinapansin
magtitiis na lang ako
magbabakasakaling ikay mapatingin,....

kahit sa panaginip ikaw lang
ang aking hinihiling
sa bawat ngiti mo parang
ayoko ng magising..

verse II
ayoko, ayoko
ayoko sanang magmukhang tanga sayo
pero nalilito, nalilito
pag sasabihin na'y nabubuhol ang dila ko

at tulala na lang sayo
ano ba naman
"bakit na lang ganito?"
"ang nakikita ko lang ay ang mukha mo..."
lahat sa paligid ko ay naglalaho..

bridge:
parang wala ng mangyayari sa
nadarama
sa bawat araw parang lalong lumalala na
bakit ba sayo hindi nagsasawa
aasa na lang
kahit sa pangarap lang....




credits: dramabeans

Thursday, April 18, 2013

To the beautiful you - ep. 1

Nagsimula na nga ang Korean version ng Hanakimi at kanina lang natapos ang episode 1.

Para di masyadong bitin...eto ang ilang eksena sa episode na ito.


Ang bidang si Kang Tae Joon.

Si Gu Jae Hee.

Ang unang pagkikita.




Si Teacher Lee So-young na malugod na winelcome si Jae Hee.

First time sa classroom

sapul ng balat ng saging

at para daw maging kabilang sa klase kailangang kunin ang bola sa dog house.

Na-bully sa loob ng CR at napa-away.


Si Seol Hanna na may gusto kay Tae Joon

Si Cha Eun-gyul na naging kasa-kasama ni Jae Hee.

Sinadyang banggain ni Song Jong-min kaya nawalan ng malay si Jae Hee at dinala sa clinic.


At nalaman ng school doctor na si Jang Min-woo ang kanyang sekreto.


At syempre, para sa hindi pa nakakapanood abangan ang susunod na kabanata... pero sa mga tulad ko na tapos na itong panoorin... babalik-balikan natin ang kilig moments ng mga bida. (*^_^)

P.S. Sanay ako sa Korean names nila sa series... pasensya na! 

Wednesday, March 27, 2013

To the Beautiful You lapit na sa ABS-CBN


Masaya ako dahil ipapalabas na dito sa bansa natin ang To the Beautiful you. 



Ito ang Korean version ng Hanakimi. Last year pa ito naipalabas sa  South Korea mula August to October 2012 and finally sa April 15 ipapalabas na ito sa Kapamilya ABS-CBN.


Nakakatuwa na ginamit ang song ni Yeng Constantino na Siguro. Bagay sa takbo ng istorya. 
Nakakakilig as in! 


Mas maganda pa ring panoorin ito na hindi na kailangang magbasa ng subtitle. (*^_^)